top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gin Kings, nagkampeon!

ATD
Jan 18, 2020
2 min read

Tinapos na ng Barangay Ginebra Gin Kings ang best-of seven series ng PBA Governors Cup matapos lagukin ang 105-93 panalo laban sa Meralco Bolts sa Game 5 kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumikada si import Justine Brownlee ng 24 points, 10 assists at pitong rebounds upang ilista ang 4-1 serye at hablutin ang inaasam na korona. Inilabas agad ng Bolts ang kanilang tikas sa simula ng laban para hawakan ang 26-19, lamang sa first canto.

Hindi nagpasindak ang Bolts sa pakay ng Gin Kings na dumikit sa second kaya nanatili sila sa unahan, 46-40 sa halftime.

Nagsanib-puwersa sina reinforcement Allen Durham at local Baser Amer sa unang dalawang period.

May 11 puntos at 14 rebounds ang naikamada ni Durham habang 13 pts. ang tinipa ni Amer sa first half.

Nag-iba ang ihip ng hangin sa third period, pumabor sa Gin Kings ang bola kaya naagaw nila ang abante, 70-64 papasok ng fourth canto. Naidikit ng Bolts sa 77-all sa kaagahan ng payoff period pero muling kumawala ang Gin Kings para mahawakan ulit ang unahan.

Muling pumilit ang Meralco na makahabol subalit naging matatag ang Ginebra kaya nakuha nila ang matamis na panalo.

Samantala, unang nagwagi sa serye ang Ginebra nang lagukin nila ang 91-87 bentahe sa Game 1.

Naitabla ng Bolts sa 1-1 ang series matapos ikahon ang mahirap na 104-102 panalo sa Game 2 matapos silang akbayan ni three-time Best Import Durham na nagtala ng 21 markers, 18 rebounds at anim na assists.

Agad naman lumagok ng dalawang sunod na panalo ang Gin Kings sa Games 3 at 4, 92-84 at 94-72 ayon sa pagkakasunod upang mamuro sa pagsilo ng korona ng season-ending tournament.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page