Dragon Butterfly, pandiin ka rito

Balikatan ang magiging laban sa pagtikada ng Condition Race Merged at Condition Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong araw. Kasabay nito aalagwa ang dalawang Winner Take All (WTA) dalawang Pick 5, isang Pick 6 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 1,unang magaganap ang 1st WTA ipinapatok ang Dragon Butterfly at makakalaban ang Gintong Tubig at The Accountant.
Maaaring isama sa Quartet, Pentafecta at Super Six ang Disyembreasais, Tool of Choice at Morning Breeze.
Sa Race 2, magsisimula ang 1st Pick 5 at nakalalamang ang Time and Again ngunit, makakalaban ang Stella Malone.
Sa Race 3, magkakalaban ang Born in April, Hello Dolly at Dalagang Bukid puwedeng isama sa Quartet at Pentafecta ang Sunday Surprise at Wessfacckol.
Sa simula ang Pick 6 sa Race 4 nakalalamang ang All For Mama makakatunggali ang Geneva at Isla de Zap.
Ang 2nd Pick 5 sa Race 5, mahirap bunuin dito ang Oasis at maglalaban sa forecast ang Cup in Raver, Tontoneeto, Great Britain at couple entry na Pabulong.
Sa Race 6, ipinapatok ang Triton habang ang mga kalahok na Ace Up, Dugong Bughaw at Viscerion ang siyang magkakalaban sa forecast.
Sa Race 7, nakalalamang ang Constitution habang ang Believe Me, Shalom at Rocking Hill ay siyang makakalaban.
Patok ang couple entry na Cool Mom at Sekretong Malupit habang magbabanta ang couple entry na Royal Dragon at Bull Tap sa Race 8 habang sa Race 9 na ipinapatok ang Storm Chaser.





Comments