Dahil matalino, mataray at maldita… Dina, feeling magaling ang image sa showbiz
- Erlinda Rapadas
- Jan 18, 2020
- 1 min read

Tumatak na kay Dina Bonnevie ang image niyang palaban at straightforward. Hindi siya ang tipong nagpapakabait lang upang magustuhan ng tao.
Napaka-transparent niya at sinasabi kung ano ang mga ayaw at gusto niya kaya madalas ay napagkakamalan ng marami na mataray at maldita siya.
Pero tinanggap naman ng publiko kung ano ang tunay na katauhan ni Dina Bonnevie na isang mahusay na aktres. Actually, misunderstood lang si Dina ng mga hindi alam ang kanyang tunay na pag-uugali.
She’s so smart kaya akala ng iba ay nagmamagaling siya, pero in reality, si Dina ay may soft heart din.
Isang normal na tao na nasasaktan, nabibigo at napu-frustrate sa buhay.
Marami rin siyang pagsubok na pinagdaanan and yet, she survived, kaya naririto pa rin siya sa showbiz at nag-aambag ng galing sa pag-arte.
Si Dina ay magiging bahagi ng bagong seryeng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday with Snooky Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez, Rayver Cruz, Jay Manalo, atbp..
Siya mismo ang humiling na siya ang gumanap na Biday (ang Ilocana) sa serye at si Snooky naman si Waray (isang Bisaya). Bihasa na sa Ilocano dialect si Dina dahil ang kanyang mister ay isang Ilocano, ang vice-governor ng Ilocos Norte na si Victor Savellano.
Ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ay base sa isang pelikula noon na ginawa nina Maricel Soriano at Snooky at sa TV version nito ay may bagong twist sa istorya.




Comments