Scholarship program ng Ajinomoto, open na, 10 scholars, ipapadala sa Japan!
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Isa sa mga balakid kung bakit hindi nakakapagtapos ng pag-aaral ang kabataan ay ang problemang pinansiyal. Kaya naman, maraming organisasyon ang tumutulong sa kanila para patuloy nilang maabot ang kanilang mga pangarap at isa na rito ang Ajinomoto Philippines Corporation (APC).
Magandang ipinamamalita ng APC na ang kanilang Ajinomoto Scholarship Foundation ay tumatanggap na muli ng aplikasyon para sa 2021 Ajinomoto Postgraduate Scholarship Grant upang suportahan ang mga deserving Filipino student na gustong makapagtapos ng pag-aaral sa larangan ng Science.
Ang Ajinomoto Scholarship Foundation o ang dating Suzuki Scholarship Foundation ay nagsimula sa Japan noong 1957. Sa Pilipinas, nagsimula ito noong 2010 na nagbigay ng full scholarship sa deserving students na pinag-aral sa mga bigating eskuwelahan sa Japan kabilang ang University of Tokyo, Kyoto University, Nagoya University, Ochanomizu University, Waseda University, Kagawa Nutrition University at Tokyo Institute of Technology. Ang University of Tokyo at Kyoto University ang ilan sa mga top universities na ipinagmamalaki ng Japan dahil kasama ito sa World University Rankings 2020 ng Times Higher Education.
Bilang global company at food and amino science company, hinihikayat ng Ajinomoto ang mga estudyanteng kumukuha ng kurso sa larangan ng Nutrition o Health Science na magpasa ng aplikasyon. Hindi lang ‘yan, maaari ring magpasa ang mga kumukuha ng Science courses tulad ng Medicine, Engineering, Agricultural and Life Science, Frontier Science, Information Science and Technology, Mathematical Science at Biostudies.
Noong 2019, 10 Filipino scholars ang ipinadala sa Japan kabilang na si Ms. Kimberly Castro na nakapagtapos ng Bachelor’s Degree in Industrial Pharmacy sa UP Manila na kasalukuyang research student na sa Department of Pharmacognosy, Graduate School of Pharmaceutical Science sa Kyoto University.
Gusto n’yo bang maging tulad ni Ms. Kimberly? Bisitahin lamang ang www.ajinomoto. com.ph/whats-new/ para malaman kung paano makakukuha at makakapasa ng aplikasyon. Maaari ring tumawag sa +(63)2 895-6081 local 8137 at hanapin si Ms. Deborah Sales, RND o mag-email sa Deborah_sales@ajinomoto. com. Ang deadline ng submission ng application ay hanggang March 1, 2020 na lamang kaya naman hinihikayat ang mga estudyanteng gustong makapagtapos ng pag-aaral at makapunta sa Japan!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments