Kaya maghihiwalay din daw… Arjo, 'di pa tamang lalaki para kay Maine?

Base sa ginawang pagpulso ng dalawang resident numerologist/astrologist ng BULGAR na sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus III, walang kasiguruhan na ang relasyong Maine Mendoza at Arjo Atayde ay magtatagal.
Bagama’t compatible ang mga zodiac signs nina Maine at Arjo at maligaya ang Dubsmash Queen na isang Pisces sa pakikipagrelasyon sa isang Scorpio na tulad ni Arjo, hindi raw garantiya na sila ay magtatagal at magla-last forever ang kanilang pagmamahalan.
Marami pang pag-ibig ang darating sa buhay ni Arjo, habang ang nakatakda para kay Maine ay isang lalaking fully established na sa buhay at may mataas na posisyon sa kanyang larangan.
Samantala, ayon na rin kina Señor Socrates at Maestro Honorio, ang Dubsmash Queen na si Maine na isang Pisces at may animal sign na pig at nasasakupan ng Jupiter ay isang napakasuwerteng tao, na lahat ng kanyang madikitan ay maaambunan niya ng suwerte, tulad nina Alden Richards at Arjo.
Pero kahit na compatible sila ni Alden, hindi mauuwi ‘yun sa totohanang relasyon dahil “like” at hindi “love” ang nabuo sa kanilang tandem. Career ang naging priority ni Alden kaya hindi nauwi sa totoong romance ang tambalang AlDub.





Comments