top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2020, taon ng maraming pagsubok... MGA Lugar sa tabin-dagat lulubog; Bagong malubhang sakit, mamumuk

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Jan 17, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mga mahahalagang prediksiyon ngayong 2020.

Ngayong taon, magpapatuloy ang paglubog ng mga siyudad at bayan na nasa tabin-dagat at maging ang mabababang lugar na naaabot ng tubig-dagat. Sa pagkilos ng pamahalaan, maglalabasan ang mga dike o pangharang sa tubig, gayunman, ang ganitong sistema ay mas makasasama sa mga bayan dahil ang tubig sa langit o malalakas na ulan ay mapipigilan ng mga dike na inilagay na pangharang sa tubig-dagat kaya mas malaking pinsala ang mararanasan ng mga tao dahil sa maling mga proyekto.

Dahil ang tao sa kasalukuyan ay umaasta na marunong at maalam sa science, ipapahiya sila ng kalikasan sa pamamagitan ng paglitaw ng mga sakit na wala sa medical dictionary. Ibig sabihin, ang mga bagong sakit ay magiging mapamuksa na kahit ang mayayaman ay walang magagawa para malunasan ang kanilang mga sakit. Dahil dito, ang bagong rebolusyon na tatawaging “herbal revolution” ay mamamayani sa lahat ng panig ng mundo.

Sa pagpapatuloy ng kampanya ng mga bansa laban sa paggamit ng mga plastic, mas lalaki ang problema ng buong mundo dahil ito ay nagbabalita na ang mga puno, halaman at damo ay gagawing pamalit sa plastic para sa mga consumer.

Kaya ito ay magreresulta sa mas lalo pang pagkakalbo ng mga bundok at gubat. Dahil dito, magkukumahog ang mga siyentista na ang pamalit sa plastic ay balat ng isda at iba pang laman-dagat.

Magpapatuloy din ngayong taon ang pagputok ng mga bulkan at bundok na dati ay hindi inakalang mga bulkan. Dahil sa pagkalito at pagkapit sa kaalamang natutunan sa mga eskuwelahan, ang mga awtoridad ay ipagpipilitan na ang mga pagsabog ng bulkan ay walang kaugnayan sa isa pang klase ng delubyo na paglindol nang sabayan sa halos lahat ng panig ng mundo.

Hindi rin matatanggap ng mga awtoridad na masasaksihan ng tao ang kusang pagkahulog ng mga lupa kaya nagkaroon ng mga balon. Gayundin, ipipilit ng mga awtoridad na ang mga building ay walang kaugnayan sa lindol.

Dahil dito, mawawalan ng tiwala ang mga tao sa awtoridad dahil alam na alam nila ang isang katotohanan na rito sa ibabaw ng lupa, ang lahat ay magkakaugnay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page