Isang tao lang naman daw ang nakinabang… P10k na tulong ni Alden, ipinagyabang pa raw ng padir sa so

Beth Gelena / Bulgary Files
Hindi nagpatumpik-tumpik ang ama ni Alden Richards na si Richard Faulkerson sa pagtatanggol sa anak dahil sa tweet ng isang netizen.
Ani ng netizen: “#taalvolcanoeruption2020 MUNA ALDEN, panahon muna ng pakikidalamhati SAYANG NAMAN ang pagiging maka-DIYOS mo. Bukas mo na lang ulit buhatin ang grupo mo kasama na sarili mo. BAYANIHAN muna para sa #PrayForPhilippines #TaalVolcanoAshfall Huwag muna pabida at pabibo kung maaari lang.”
Depensa ng ama ni Alden, “Isang tao pa lang ‘yan boss. Kahapon ng umaga, kahit malayo s’ya du’n sa dapat mabigyan ng tulong, may ginagawa na ‘yan. Thank you.”
Nataong nasa Japan daw kasi ang Kapuso actor nang sumabog ang Bulkang Taal. Umalis umano ang grupo ni Alden nu’ng Sabado (Jan. 11) at kinabukasan (Jan. 12) naman sumabog ang Bulkang Taal.
Nang malaman ni Alden ang nangyaring disaster ay agad nag-chat ang aktor sa ama, nagtatanong kung may P10 K si Daddy Bae at pahiramin daw muna siya at ibabalik na lang nito.
Ipinost ni Daddy Bae ang chat ni Alden na, “Pantulong lang. Babayaran kita bukas.”
Ipinagtanggol din si Alden ng kanyang mga fans sa nanghusga sa aktor.
Anila, “Grabe naman siya. Hindi niya alam? Taga-Laguna si Alden, doon nakatira father niya, mga kapatid niya at lolo at lola niya at mga negosyo at empleyado niya, nasa Tagaytay. Masakit ‘yan sa tao dahil siya mismo, naapektuhan ng Mt. Taal.
“Hindi ba n’ya alam na bago pumutok ang Bulkang Taal, nasa Japan si Alden at pauwi na?”
Isang netizen naman ang hindi nagustuhan ang pag-post ng ama ni Alden tungkol sa P10 K na tulong ng aktor.
“Ipinost pa ang screenshot... humble brag,” comment nito.
Dahil sa P10K post ay nagsagutan na ang mga netizens sa social media.
Sabi ng mga maka-Alden, “Kasi may assumero na ‘di s’ya tumutulong, oh, eh di i-post na, ‘yun naman gusto n’yo, ‘di ba? Lahat ng gawin ni Alden, malaking issue sa inyo.”
“Comprehension ‘teh. The father posted it kasi may nagrereklamo na hindi raw tumutulong si Alden.”
Sabi naman ng anti-Alden, dapat daw ay hindi na ipinost ang amount. Isang tao lang naman daw ang nakinabang sa P10K.
Pero, bakit daw kasi hindi si Alden ang magsalita o mag-reply nang sa gayun ay naririnig din naman daw ang kanyang explanation, hindi ‘yung tatay daw niya lagi ang namamagitan.
Minsan, dapat din daw na umaksiyon ang Kapuso actor at ‘wag matakot na i-express ang sarili.





Comments