Ang daming gimik… Solenn, pa-suspense pa sa pagpapakita ng mukha na baby
Nitz Miralles / Bida

Inuunti-unti ni Solenn Heussaff ang pagpapakita ng face ni Thylane Katana, ang baby daughter nila ni Nico Bolzico.
Dalawang pictures ng baby ang ipinost ni Solenn. Sa isa, kita ang tainga ng baby. Kita na sana ang mukha nito sa pangalawang larawan kung saan dumedede ito, kaso nagtakip ang baby na parang alam na may camera sa harap niya.
Sa latest post ni Solenn sa IG Story, ipinasilip niya ang long eyelashes ni Thylane Katana. Siguro, sa mga susunod na photos ng baby nila ni Nico, kita na ang buong mukha nito.
Ibine-breastfeed ni Solenn ang anak kaya nang minsang kumakain ito, malunggay soup ang nasa harap niya. Nabanggit din ni Nico na bawal masayang ang breast milk ni Solenn at lagot daw siya ‘pag nangyari ‘yun.
Napansin lang namin, bakit hindi naba-bash ng mga netizens si Solenn sa hindi pa pagpapakita sa face ni Thylane Katana? Bakit si Kylie Padilla, katakut-takot na bashing ang nakuha dahil sa pagtatakip nito ng mukha ng second son nila ni Aljur Abrenica?
Mabuti at hindi na lang pinapansin ni Kylie ang mga bashers na naiinis sa kanya, pero masisipag namang bumisita sa Instagram (IG) account niya.






Comments