Takot na maiwan ang pamilya dahil sa sakit sa puso, hindi pa oras mamatay
- Maestro Honorio Ong
- Jan 14, 2020
- 3 min read
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Sa edad kong 56, marami na akong nararamdaman sa katawan, pero pinipilit ko pa ring magtrabaho para sa aking pamilya at kung anuman ang sakit ko, inililihim ko na lang ito sa aking misis dahil baka mag-alala siya. Pero minsan, tumitindi ang paninikip ng aking dibdib na parang may mainit sa loob, pero nawawala rin kapag ipinapahinga ko. Natatakot akong magpa-check-up dahil baka sabihin ng doktor na tumigil na ako sa pagtatrabaho.
Kung titigil ako sa pagtatrabaho, paano na ang pamilya ko, lalo na ang mga anak kong nag-aaral pa ngayon? Gusto ko lang ipabasa sa iyo ang aking mga palad, Maestro, upang malaman kung hahaba pa ba ang buhay ko upang mabilinan ko na ang aking mga nagbibinata at nagdadalagang anak kung ano ang gagawin nila sa nanay nila kung sakaling ako ay mawala na?
Kasagutan
May maliit na island o bilog ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na ayon sa Medical Palmistry, ang maliit na bilog na ito ay tanda ng “mild circulatory ailment”. Bagama’t, meron ka nito, kung susuriin, hindi naman ito lubusan o gaanong nakaaapekto sa maganda at maayos pa ring daloy ng iyong dugo sa pangkalahatang bahagi ng iyong pangangatawan. Ito ang nais sabihin ng malinaw, makapal, hindi naputol na Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na sa kasalukuyan, wala kang dapat ikatakot o ipag-alala sa iyong kalusugan dahil kung ngayon o ten years from now, malabo ka pang matudla na sanhi ng problemang palaging paninikip ng iyong dibdib. Ang pag-aanalisang makikita mo pang gagradweyt sa college ang iyong mga anak ay madali namang kinumpirma ng mga Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit wala ka nang magagawa sa kasalukuyan mong hanapbuhay, ang Effort Line (arrow c.) ay representasyon din ng mga anak mong makatatapos ng pag-aaral at magkakaroon ng magagandang career na kaya nangyari ay dahil din sa iyong mga pagsisikap na siya ngang mas tumpak na kahulugan ng malinaw na Effort Line (e-e arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Sa madaling salita, bukod sa makikita mo pang nakatapos ng kolehiyo ang mga anak mo, maaabutan ka pa nila ng intrega sa panahong may sarili na silang mga hanapbuhay.
Mga Dapat Gawin
Alam n’yo bang bukod sa Bible, ang isa pa sa mga pinakamabiling aklat sa lahat ng panahon ay ang tungkol sa health at medicine? Isang halimbawa nito ay ang libro ng isang American cancer survivor na si Louise Hay, na may title na You Can Heal Your Life. Napakaganda ng kuwento kung paano nalikha ang nasabing aklat. Habang pinahihirapan ng sakit na cervical cancer si Louise Hay, sa halip na sumuko, nag-research siya ng iba’t ibang dahilan kung bakit nagkakasakit ang tao hanggang sa natuklasan niya na ang karamdaman ay dulot ng “metaphysical causes”.
Ibig sabihin, hindi katawan ang aktuwal na nagkakasakit, bagkus, maaaring ang kaisipan, sikolohikal o emosyunal. Nako-convert lamang ang sakit na galing sa kaisipan, sa sikolohikal o emosyunal, sa aktuwal na pisikal na karamdaman sa sandaling humihina ang iyong “inner power”.
Kung paano palalakasin ang iyong inner power upang bago pa mailipat sa aktuwal na physical ailment ang karamdaman na galing sa isipan o emotional stress ay matanggal o mawala na agad ito sa sistema ng iyong katawan ay tatalakayin natin sa susunod na mga araw.
Samantala, Mr. Taurus, sa kabila ng lahat, dapat ka pa ring magpatingin sa doktor, lalo na at madalas mo nang nararamdaman ang paninikip ng iyong dibdib.
Hindi ka naman niya agad pagbabawalang tumigil sa pagtatrabaho, sa halip, posibleng resetahan ka lang ng saktong gamot para sa iyong karamdaman upang hindi ka gaanong maistorbo sa nararamdaman mong chest pain.
5. Kung ang mga datos mo naman ang pagbabasehan, tulad ng nasabi na, ‘wag kang matakot magpatingin sa doktor dahil wala pa namang taning ang buhay mo, hahaba pa ang iyong buhay at siguradong makikita mo pang nakagradweyt sa college at may kani-kanya nang trabaho at sariling pamilya ang iyong mga anak hanggang sa makalaro mo pa ang mga cute at makukulit mong apo sa panahon ng iyong katandaan (Drawing A. at B. L-L arrow b.).




Comments