top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

NCAA inilipat ang laro ngayon, MPBL Lakan Cup, kanselado

  • A. Servinio / MC
  • Jan 14, 2020
  • 2 min read

Nagpasya ang pamunuan ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) na ipagpaliban ang anim laro ng volleyball kahapon dahil sa suspensiyon ng klase sa buong Kalakhang Maynila bunga ng pagputok ng Bulkang Taal noong Linggo. Apektado ang mga laro ng Arellano University kontra Emilio Aguinaldo College at College of Saint Benilde laban sa Mapua University sa Juniors, Seniors at Women.

Ihahayag ng liga ang bagong petsa at oras ng mga laro. Samantala, tuloy ang aksiyon ngayong Martes sa FilOil Flying V Centre. Hahanapin ng University of Perpetual Help System-Dalta ang kanilang unang panalo kontra sa Colegio de San Juan de Letran sa 2:00 ng hapon. Natalo ang Lady Altas sa CSB Lady Blazers noong Biyernes sa pagbukas ng torneo. Samantala, ang pangalawang tagumpay ang asam ng mga defending champion Altas at Junior Altas laban sa Knights at Squires. Ipinakita ng mga kampeon ang mahusay na porma kontra Saint Benilde at La Salle Green Hills.

Bubuksan ng San Beda University, isa sa mga nag-semifinals noong nakaraang taon, ang kanilang kampanya laban sa Lyceum of the Philippines University sa 4:00 ng hapon. Babawi ang Lady Pirates sa kanilang talo sa defending Arellano Lady Chiefs noong Biyernes.

Pangungunahan ang San Beda nina outside spiker Ces Racqraquin at libero Daryl Racraquin at ang kambal na sina Nieza at Ellla Viray na kampeon din sa Beach Volleyball at Rookie of the Year Lynne Robyn Matias. Kukuha ng lakas ang LPU sa mahusay na rookie na si Mary Joy Onofre na lumipat galing Rizal Technological University. Samantala kanselado ang Marikina games kagabi. Bunga na rin ng hindi pa maayos na sitwasyon ng aktibidad ng Bulkang Taal kinansela ng Maharlika Pilipinas Basketball League ang nakaiskedyul na Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season games kagabi sa Marikina Sports Center. Bunga nang naapektuhan ng ashfall ang Batangas, Cavite, Laguna, Metro Manila at kalapit probinsiya walang mga laro ang Mindoro at Caloocan, Nueva Ecija laban sa General Santos at Rizal kontra Marikina. Kung kailangan ang laro ay idaraos sa ililipat na petsa ayon kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page