top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Karateka Tsukii, pakay ang puwesto sa Olympics

Gerard Arce
Jan 14, 2020
2 min read

Photo: foxsportsph

Matindi ang pag-aasam ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist karateka Junaa Tsukii na makamit ang isang puwesto sa Tokyo Olympics matapos mapanalunan nito ang bronze medal sa Olympic-qualifying Karate 1 Series A sa Santiago, Chile. Dinaig ng gold medal winner sa Female Kumite under -50kgs category si Shara Hubrich ng Germany via 2-1 upang makopo ang panalo sa Repechage round at magtapos sa liga na may 5 wins at 1 talo. Ipinamalas ni Tsukii ang agresibong atake maging ang diskarte sa laban kontra German fighter na isa sa matataas na rank sa buong mundo.

Hindi nga lang pinalad ang Filipina-Japanese Karateka na makalampas kay Yorgelis Salazar ng Venezuela, 5-7 sa quarterfinal round, ngunit bago rito ay nakakuha siya ng Bye sa preliminary rounds at sunod na tinalo si Moldir Zhangbyrbay ng Kazakshtan sa iskor na 2-0. Sunod na tatargetin ni Tsukii ang makapaglaro sa Karate 1 Premier League sa Paris, France simula Enero 24-26 upang makapag-qualify sa 2020 Summer Games sa Tokyo, Japan simula Hulyo 24-Agosto 9. Ang mga pandaigdigang laro ni Tsukii ay suportado ng Philippine Sports Comission (PSC).

Naging laman din ng kontrobersiya si Tsukii matapos itong mapabalitaang na-bully umano ng kanyang coach at kanyang ipinarating sa social media.Ang larong karate ay unang masasaksihan sa Summer Games matapos aprubahan ng Executive Board ng International Olympic Committee (IOC) ang pagsama nito sa programme ng quadrennial meet. Pinayagang magkaroon ng dalawang events mula sa Kumite at Kata kung saan 60 na manlalaro ang lalaban sa Kumite habang 20 naman ang sasabak sa Kata events.

Makakasama ng Karate bilang mga newbies sports ang Skateboarding, Surfing at Sport Climbing habang magbabalik naman ang Baseball at Softball.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page