Jockey Guce, nanguna sa 2019

Inilabas na kamakailan ang 10 nangungunang hinete sa bansa nang Philippine Racing Commission (Philracom).
Ayon sa Philracom ang mga hinete ay base sa dami ng mga naitalang panalo simula ng buwan ng Enero hanggang Nob. 30, 2019. Ang mga hinete na nangunguna sa talaan ay sina Jockeys Jessie B. Guce, PM Cabalejo, John A. Guce, O.P Cortez, Jonathan B. Hernandez, Mark A Alvarez, C.P. Henson, J.G Serrano, E.G. Guerra at John Paul A. Guce.
Nangunguna si Jockey Jessie Guce, matapos makapagtala ng 135 na panalo sa 625 na sakay nito, pumangalawa si Jockey Cabalejo, matapos magwagi ng 102 sa 634 na sakay nito.
Pangatlo si Jockey John Guce, matapos magwagi ng 81 sa 415 na sakay nito habang si Jockey Cortez bagamat mas maraming sakay na 578 ngunit may 98 na panalo. Sumunod si Jockey Hernandez na nanalo ng 78 sa 270 sakay nito at si Jockey Alvarez ay nagtamo ng panalo na 72 sa 447 sakay nito.
Si Jockey Henson ang nakakuha ng pitong puwesto sa pagkakapanalo ng 78 sa 555 na sakay nito at si Serrano ay itinanghal na pang-pitong hinete na nakapagtala ng 76 sa 562 sakay nito.
Naisama ni Jockey Guerra na may 64 napanalo sa 539 sakay nito at nakuha ni Jockey JP Guce ang pang-10 posisyon dahil naitala ang 34 na panalo sa 188 na sakay nito.
Sinabi pa ng Philracom na si Guce ay nagwagi ng 135 na primera, 99 segunda, 913rd places at 79 na 4th places, habang si Cabalejo ay nanalo ng 102 na 1st. 101 sa 2nd , nakapagtala ng 96 sa 3rd place at 80 sa 4th places.





Comments