Tribute kay Alexander ang World Slasher Cup

Magsisimula ang World Slasher Cup sa Enero 20-26 bilang tribute sa maalamat na si American Breeder, Ray Alexander na yumao noong Hulyo 3.
Si Alexander ay pamoso sa kanyang championship bloodlines na bumilang na ng napakaraming titulo sa sport sa bansa maging sa ibayong dagat. Natulungan ni Alexander ang pagsisimula ng World Slasher Cup nang udyukan niya ang American breeders na lumahok sa kompetisyon.
Ang mga household names sa mundo ng cockfighting ay inaasahang lalahok ngayong taon at sa tribute ni Alexander. Kasabay nito ang inaabangang 9-cock invitational international derby sa Smart Araneta Coliseum sa Enero 20 na tinatawag na “Olympics of Cockfighting.” Samantala, idaraos sa unang pagkakataon sa Metro Manila ang Batang Pinoy (BP) Games na kung saan isinilang ang mga careers nina world gymnastics champion Carlos Yulo at Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz.





Comments