Naka-move on na raw, pero… Pops, napaiyak nang mapag-usapan ang anak ni Martin sa ibang babae
- Mercy Lejarde
- Jan 13, 2020
- 1 min read

Who says once lovers cannot be friends?
Well, not in the case of Pops Fernandez and Martin Nievera na ipapakita nila sa loob ng pitong araw on February 14, 15, 17,18,19, 20, 21 sa kanilang Valentine concert titled Two-gether Again (peram lang, Guy & Pip) na magaganap sa The Theatre at Solaire Hotel.
Sa ginanap na Two-gether Again mediacon just recently, komportable na sa isa’t isa sina Martin at Pops at swak sa kanila ang saying na: “All is well that ends well.”
Magkaibigan na raw sila pagkaraan ng kanilang hiwalayan blues noon dahil sa pagkakaroon ng ibang girl ni Martin named Katrina Ojeda at nabiyayaan ng anak ang dalawa named Santino.
Naluluhang inamin ni Pops na hindi ganu’n kadali na tanggapin at harapin lahat ng ito. Pero nagawa niyang magpatawad dahil na rin sa mga anak nila at nang makita niya ang sweet na si Santino, sinikap niyang maging okay ang lahat kaya nagkasama-sama sila nu’ng Pasko at si Katrina ang naghanda para sa kanila.
“I wanted the boys to be together, and they did, and I think they had a great time,” hugot pa ni Pops with tears of joy (joy nga ba, Jun Lalin?) falling down her cheeks.
So there! Watch n’yo na lang ang kanilang Two-gether Again Valentine concert and see for yourself ang dating sweet Pops-Martin love tandem na nakita natin noon at muling makikita ngayong 2020, okidoki?





Comments