Iba’t ibang paraan para mai-recycle ang mga basura nu’ng holiday season
No Problem

Holidays are over kaya naman back-to-reality na tayo. Balik na ulit sa pagliligpit ng mga kagamitan noong Holiday Season mula sa mga ginamit na malalaking kaldero, sandamakmak na plato at utensils nu’ng handaan at siyempre, pati na rin ang mga Christmas decorations.
Gayunman, sa pagliligpit, dehins n’yo kailangang magtapon dahil narito ang ilang paraan para i-recycle ang ating “holiday waste”:
1. WRAPPING PAPER. Base sa pag-aaral, 277,000 miles ng wrapping paper o pambalot ang itinatapon pagkatapos ng Holiday Season sa UK. Sey ng ex-perts, anumang papel na laminated, manipis at may glitters ay hindi maaaring ma-recycle, ngunit para masiguradong magagamit pa ito, gawin ang “scrunch test”. Gawin ito sa pamamagitan ng pagpilas ng maliit na piraso ng pambalot at lukutin ito saka bilugin. ‘Pag nanatili itong nakabilog pagkabukas mo ng iyong kamay, puwede itong i-recycle. Bago mag-recycle, make sure na natanggal mo ang lahat ng tape, ribbon at tag.
2. CARDS. Para kina bagets, nakaka-excite ang mga cards para madali nilang malaman kung kanino nanggaling ang regalo na natanggap nila. Pero pagkatapos ng Pasko, tiyak na puwede pang magamit ang mga ito. I-cut out ang mga disenyo at ‘yun na, keri na itong ilagay sa mga scrapbook o project ni bagets. Ayos ba?
3. DECORATIONS. Mula sa mga pailaw, parol at ornaments, puwedeng-puwede n’yo itong itabi para sa mga susunod na taon. Yes, besh! Pero kung paiba-iba ang tema ng inyong X’mas décor kada taon, puwede n’yo pa rin itong i-donate.
4. X’MAS GIFTS. For sure, may mga regalo noong mga nakaraang taon kina bagets na hindi na nila nagagamit dahil lumaki na sila tulad ng damit, laruan at kung noong nakaraang taon ay mas marami pa silang natanggap, ‘yun ay para i-share sa iba ang pinaglumaan na. Magandang practice ito para sa mga tsikiting dahil natuturuan din natin silang mag-share ‘pag marami silang natanggap na blessings. Nakapag-recycle ka na, nakatulong ka pa.
Madali lang, ‘di ba? Kaya naman kung hindi mo pa nasisimulan ang paglilinis sa inyong bahay, galaw-galaw na dahil tapos na ang ating pahinga.
Make sure na hindi n’yo kalilimutan ang ilang tips na ito, ha? Okie?





Comments