2020 Pac-May fight may paramdam sa U.S.

Lahat ng nasimulan ay dapat tapusin. Ganito ilarawan ni MP Promotions at International matchmaker Sean Gibbons ang gustong iparating ni World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny “Pacman” Pacquiao na dahilan para muling makalaban si undefeated-retired Floyd “Money” Mayweather Jr.
Sapul nang matalo ang Pambansang Kamao sa American boxer/promoter sa binansagang “Battle for Greatness” noong Mayo 2, 2015 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision victory sa huli ay hindi na tinantanan ng buong mundo ang pagsasagupa muli ng dalawa sa ibabaw ng ring.
“The real purpose is hopefully some closure with Floyd Mayweather,” paglalahad ni Gibbons sa panayam ni Danny Flexen ng secondsout.com. “We hope to fight in April, we’ve had a lot of offers in the Middle East, he’s a worldwide icon like a Michael Jordan or a David Beckham, but if not then somewhere back in the US. Then he would love to have Mayweather. A fight like that would be November,” dagdag nito. Hinikayat rin ni Gibbons na maaaring binyagan ng dalawang legendary boxers ang bagong tatag na Allegiant Stadium sa Las Vegas sakaling mapagdesisyunan na ng dalawa ang magtapat muli. “There’s a lovely stadium in Vegas, the Vegas Raiders’ [Allegiant] Stadium, which will be done in September for the new NFL season and what a way to inaugurate the stadium. This time, the Senator is a little older, but Mayweather has been inactive; they could have a real interesting fight,” wika nito.
Naging mailap para sa dalawa ang magtapat muli matapos ang halos limang taon, na maraming beses na napag-usapang magaganap ang May-Pac 2, ngunit nananatili pa ring misteryo magpahanggang ngayon kung may katotohanan nga sa labang ito.
Sa unang pagtatapat nila ay nagkaroon ng isang shoulder injury ang Fighting Senator na sinundan ng dalawang sunod na unanimous victory kina Timothy Bradley at Jessie Vargas habang ginulantang ito ng isang upset loss kay Jeff Horn noong Hulyo 2, 2017 sa Brisbane, Australia.
Buhat noon ay tatlong sunod na panalo na ang ginawa ni Pacquiao nang kunin nito ang WBA regular title kay Lucas Matthysse noong 2018 at dalawang laban kina Adrien Broner noong Enero 2019 at 147-pound title fight kay Keith Thurman na nauwi sa split decision win. Sa kabilang banda, nakuntento na lang si Mayweather (50-0, 27KOs) na labanan ang isang Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa noong Dis. 31, 2018 sa isang 3-round exhibition. Bago rito ay tinalo niya muna sina Andre Berto at Conor McGregor bago magretiro nang tuluyan para sa 50-0.
Hinggil sa mga pasaringan nina welterweight champs Terrence Crawford at Errol Spence Jr. sa twitter na kalauna’y natanong siya ng mga ito kung kailan sila lalabanan ay sinabi na lamang ni Gibbons na wala nang dapat pang patunayan si Pacquiao dahil naiukit na nito ang pangalan sa kasaysayan. “At 41, I see all these nutjobs on Twitter who say he should fight Terence Crawford, Errol Spence, but what exactly would it prove if he beats them? His legacy is already there.”





Comments