top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dos, magsasara na raw… Ai Ai sa mga kapamilya stars: Welcome sa Kapuso!

Vinia Vivar
Jan 12, 2020
2 min read

Dahil sa matitinding pinagdaanan noong 2019, pangako ni Ai Ai Delas Alas, nga­yong 2020 ay muli siyang babangon.

“Ngayong 2020, ako po ay baba­ngon at muling makikibaka sa buhay. ‘Yan po ang gagawin natin,” pahayag ni Comedy Queen sa presscon ng first movie niya for the year, ang D’Ninang ng Regal Entertainment.

Natanong si Ai Ai kung ano ang hindi magandang pinagdaanan niya last year dahil mukhang wala naman.

“Wala sa paningin ninyo pero sa paningin ko ay marami,” natatawa niyang sagot.

Pero kung sa aspetong personal life raw ay masasabi niyang masaya ito, but just the same, marami siyang pinagdaraanan na hindi nalalaman ng mga tao.

“Ako lang ang nakakaalam. Pero pagdating sa buhay-may-asawa, isa ‘yun sa napakasu­werte ko sa buhay ko dahil napa­ka­bait ng asawa ko,” sabi ni Ai Ai.

Kaya nga happy siya na sa pagbubukas ng 2020 ay may bago siyang pelikula.

“Ang masaya pa niyan, every time na nasa Regal Films ako, sinusuwerte tala­ga ako, and praise God, ku­mikita lahat ng pelikula ko sa Regal,” she said.

Natanong din si Ai Ai tungkol sa bagong Sunday show ng GMA-7, ang All-Out Sundays na ipinalit sa Sunday PinaSaya. At dahil hindi na siya rito kasama, aminado si Ai Ai na nanibago siya dahil wala na siyang show ‘pag Sunday.

“Na parang ‘Ay, Sunday pala ngayon.’ Usually, maaga akong nagsisimba, tapos nagwo-work na ako. Okay naman, 4 years and 4 months (ang Sunday PinaSaya), matagal din ‘yun.”

Napanood niya ang pilot episode ng AOS last Sunday at medyo nanganganay pa raw since kasisi­mula pa nga lang.

“Parang nanganganay pa naman sila, pero hoping na mag-improve siya as day goes by,” aniya.

Samantala, natanong namin si Ai Ai sa kanyang thoughts sa problemang kinakaharap ngayon ng ABS-CBN na as we all know ay dati niyang istasyon. Bukod nga rito ay marami rin siyang kaibigan doon.

“Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari, pero siyempre, lahat tayo, hoping for the best para kasi sa lahat ng mga tao na nagtatra­baho sa Kapa­milya Channel. So, hoping for the best,” she said.

Ano ang masasabi niya sa tsikang maglilipatan na sa Kapuso ang mga Kapamilya stars?

“Ah, welcome sa Kapuso,” natatawa niyang sabi, “Hindi naman sa akin ang istasyon.”

Anyway, showing na ang D’Ninang ngayong Jan. 22 at kasama rin sa cast sina Kisses Delavin, McCoy De Leon, Kiray Celis, Kelvin Miranda, Joey Mar­quez, Lou Veloso and ‘Regal Baby’ Angel Guardian, mula sa direksiyon ni GB Sampedro.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page