top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bagong virus na nakamamatay, pag-aralan muna bago katakutan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2020
2 min read

Sa gitna ng outbreak ng isang hindi pa matukoy na virus, isa na ang kumpirmadong namatay dahil sa pneumonia sa siyudad ng Wuhan sa China.

Ayon sa ulat, pitong iba pa ang nasa kritikal dahil sa misteryosong sakit. Sa kabuuan, 41 katao ang na-diagnosed na may pathogen na bagong uri ng corona virus.

Dalawa sa mga ito ay pinalabas na ng ospital habang ang iba pa ay stable na ang kondisyon.

Kaugnay nito, cleared naman na ang nasa 739 kataong nakasalamuha ng mga pasyente.

Sinasabing regular na mamimili sa seafood market ang nasawing lalaki na una nang nagkaroon ng abdominal tumors at chronic liver disease. Gayunman, sa kabila ng treatment, hindi umano nawala ang sintomas ng lalaki hanggang sa masawi nitong Enero 9.

Matatandaang, una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na may bagong usbong na miyembro ng virus na sanhi ng nakamamatay na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS) na puwedeng sanhi rin ng nasabing misteryosong virus. Bagama’t, kamakailan lang ay sinabi naman ng China na hindi SARS ang panibagong misteryosong viral pneumonia at hindi rin umano ito bird flu at MERS.

Nangangahulugan ito na kailangan pang pag-aralan hanggang sa tuluyan nang matukoy ang sinasabing misteryosong sakit at kasabay nito ang dagdag na pag-iingat, hindi para matakot kundi upang mas alagaan ang ating kalusugan.

Sa ating gobyerno, tuloy lang sa pagbabantay sa mga posibleng mangyari.

At tayo naman bilang mga responsableng mamamayan, iwasang makadagdag ng kalituhan lalo na sa social media. Tiyak na may mga wala na namang magawa sa buhay ang magkakalat ng fake news para makapagdulot ng takot at gulo sa publiko.

Muli, kung hindi tayo sigurado sa mga nababasa online, huwag nang i-share.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page