top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pressured sa mga biyenan na gusto nang magkaapo kahit bagong kasal pa lang

  • Roma Amor
  • Jan 11, 2020
  • 1 min read

Dear Roma, Tawagin n’yo na lang akong Baby. Ako ay 22 years old at isang newlywed. May kaya ang napangasawa ko at ang pamilya niya. Mabait naman sila sa akin at inaalagaan nila akong mabuti. Gusto kasi ng biyenan ko na magka-baby na kami agad dahil nag-iisang anak ang hubby ko at matatanda na rin sila. Gayundin, baka hindi na raw nila maalagaan nang husto ang magiging apo nila.

Sobra akong nape-pressure sa lahat dahil pati parents ko ay ganundin at pakiramdam ko ay minamadali nila akong magbuntis. Halos lahat na yata ng paraan ay ginagawa ko, ma-preggy lang ako at lahat ng pagkain ay kinakain ko na, mabuntis lang ako. Hindi na rin muna nila ako pinagtatrabaho para makapag-focus ako sa magiging baby namin. Ano ang dapat kong gawin? Salamat sa inyo. —Baby

Baby, Ang pagkakaroon ng baby ay blessing mula sa langit. Minsan, dumarating ito sa panahong hindi natin inaasahan at minsan naman, kung kailan inaasahan, saka hindi dumarating.

Sa tingin ko, ang una mong dapat gawin ay huwag kang magpadala sa pressure dahil maaaring isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit hindi ka mabuntis agad. Ang pressure o stress kasi ay nakapagpapababa ng self-esteem mo.

Gayundin, ang sobrang pag-iisip ay nakapagdudulot ng pagod at panghihina ng katawan kaya palagi kang mag-isip ng magagandang bagay. Ang intindihin mo ay ang iyong asawa at i-enjoy mo muna ang mga panahong magkasama kayo araw-araw sa iisang bahay at siyempre, ang pagmamahalan ninyo.

Basta palagi kang mag-relax at maging masaya. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page