top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 11, 2020 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 11, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 11, 2020 (Sabado): Mangunguna ka sa lahat ng bagay. Kung masumpungan mo ang iyong sarili na pumangalawa, kikilos ang iyong kapalaran at ilalagay ka sa unahan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Haluan mo ng saya ang iyong pagsisikap para umangat pa ang iyong buhay. Huwag mong kalimutan na ang pagiging seryoso ay nakasasama sa kalusugan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-14-20-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawa sa pinatigas na lupa o putik ang iyong pinakaepektibong pampasuwerte ngayong taong ito. Maglagay ka sa bahay at iyong silid-tulugan at paminsan-minsan ay iyong hahawakan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-24-30-35-43

GEMINI (May 21-June 20) - Ipinaaalala sa iyo ng iyong kapalaran na ang makikislap na bagay ay ang iyong pampabuwenas. Kahit saan ka magpunta o nasa bahay dapat mayroon ka nito sa iyong katawan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-22-25-36-40.

CANCER (June 21-July 22) - Palagi kang magdala ng personal na bag na puwede mong yakapin. Sa ganitong paraan, ang mga pangarap mo ay makikitang isa-isang nagkakakaroon ng katuparan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-25-32-38-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka sa ginto kaya magsuot ka nito. Puwede ka ring magsuot ng iba pang alahas, pero ginto pa rin ang iyong pampasuwerte ngayong taong ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-25-26-34-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi bagay, tao at hayop ang iyong pampabuwenas ngayong taon kundi ang pagiging mabilis sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-15-27-30-32-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan, pero kapag binalikan mo ang mga nakaraan, matutuklasan mong kapag nakasuot ka ng mataas na takong, ikaw ay sinusuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-24-25-34-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dalhin mo palagi ang lakas ng loob mo dahil ito mismo ang magbibigay sa iyo ng yaman. Hindi na mahalaga ang iba pa dahil sapat nang malakas ang loob mo para ganap kang umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-21-25-31-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag palaging nakasayad ang mga paa mo sa lupa kahit gaano kataas ang iyong pangarap, tiyak na iyong maaabot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon taon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-22-25-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gusto mo bang suwertehin ngayong taon? Siyempre, oo ang sagot mo. Magsuot ka ng malaking relos sa braso dahil ito mismo ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-15-25-26-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayong taong ito, mas madalas na pamamasyal sa magaganda at malalayong lugar ang iyong pampabuwenas. Pero kailangang planuhin mo ang pagpunta sa malalayong bayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-6-19-20-35-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaiba at mahirap paniwalaan na ang pampasuwerte mo ngayong taon ay ang paliligo sa dagat. Maglalaan ka ng mga araw para rito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-15-23-37-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page