Bagong litrato na ipinost sa IG… Pagmomotorsiklo, bagong hobby ni Alden
- Nitz Miralles
- Jan 11, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @aldenrichards02
Hindi na mangangamba ang mga supporters ni Alden Richards, na nahihilig ngayon sa motorsiklo, dahil sa bagong litrato ng aktor na kanyang ipinost, nakasakay siya sa motor at may dala nang helmet.
Pinaalalahanan kasi si Alden ng mga supporters niya na laging magsuot ng helmet ‘pag nakasakay sa motorsiklo na ibinigay ng Wheeltek. Nang una kasing matanggap ni Alden ang motor, itinest drive niya habang nasa taping siya ng The Gift nang walang suot na helmet.
Napanood namin ang video sa pagte-test drive ni Alden na nasa location ng taping, saka ilang metro lang ang layo at mabagal ang pagpapatakbo niya ng motor.
Ang sabi pa ni Alden, new hobby niya ang pagmomotorsiklo. Ang dasal ng kanyang mga fans, ‘wag na niyang ituloy dahil worried sila na baka madisgrasya siya.
And speaking of Alden, minsan na siyang nag-host ng reality show na Bet ng Bayan kasama si Regine Velasquez kaya hindi siya mahihirapang mag-host ng Centerstage.
Tatapusin muna siguro ng GMA-7 ang The Gift bago simulan ang Centerstage, kung saan sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos nga ang resident judges.vjv





Comments