Aktor, tahimik na ang buhay… Raymart, never nang babalikan si Claudine
- Erlinda Rapadas
- Jan 11, 2020
- 1 min read

Dahil lang sa pasalubong na regalo kay Claudine Barretto ng estranged husband niyang si Raymart Santiago, may mga nag-assume na at umasang magkakabalikan ang mag-asawa.
Isinama ni Raymart sa Japan ang mga anak nila ni Claudine. Pagbalik nila ng ‘Pinas ay may ibinigay siyang pasalubong kay Claudine. Maging si Gretchen Barretto ay natuwa at nag-react sa ginawa ni Raymart.
Pero, sey ng mga netizens, huwag nang umasa pa ang mga tagahanga ni Claudine na may balikang magaganap. Tahimik na ang buhay ni Raymart ngayon at good friends na lang ang magiging relasyon nila ni Claudine.
Mahirap nang magsama pa sila sa isang bubong dahil sa kanilang mga temper at indifferences.
Ang mahalaga naman ay hindi nakakalimot si Raymart sa kanyang obligasyon sa mga anak at may oras siya na makasama ang mga ito kung kinakailangan ng father figure.
At this point of their life, mas makakabuti kina Raymart at Claudine kung magiging magkaibigan na lamang sila at may respeto pa sa isa’t isa. Pasasaan ba’t makakatagpo rin si Claudine ng taong magmamahal at tatanggap sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanan niyang bagyo sa buhay.
May panahon para sa lahat ng bagay.





Comments