top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mas sikat na raw sana kung nag-solo… Liza, 'di nagle-level up ang career dahil nakatali kay Enr

Erlinda Rapadas
Jan 10, 2020
1 min read

Marami ang nanghihinayang kay Liza Soberano na maganda at may porma, maga­ling umarte at malaki ang chance na umangat pa nang husto ang career. Pa­rang na-stuck up na lang daw kasi siya sa love team nila ni Enrique Gil (LizQuen), although ma­rami silang mga fans at kumikita naman ang kanilang pelikula.

Parang naudlot daw ang kanilang pag-grow as artists da­hil nakatali sila sa kanilang tandem. Dapat daw subukan nina Li­za at Enrique na pumare­ha sa ibang artista at marana­sang ma­ka­trabaho ang iba.

Sa tagal na nila as love team, darating ang panahong mau­u­may ang tao. Besides, hindi na sila bata. Kailangan na ring tu­mang­­gap si Liza ng mature role upang mag-level-up ang kan­yang pagi­ging aktres. Hindi na­man ka­ila­ngang mag-break sila ni Enrique. Puwe­deng behind the camera na lamang ang ka­nilang relasyon upang magawa nilang pumareha sa iba.

Dahil multi-talented si Liza, puwede siya kahit saang klase ng role at career move kung isa­­sak­ripisyo muna niya ang love team nila ni Enrique.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page