Mas paniniwalaan kesa sa Simbahan... Nilalang na nag-anyong tao at nakagagamot ng anumang sakit, lil
- Sr. Socrates Magnus II
- Jan 10, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mga mahahalagang prediksiyon ngayong 2020. Dahil sa pagsapit ng astrological era o “era of no boundary”, makikitang ang mga tao ay patuloy na makadidiskubre ng mga bagong planta sa malalayong espasyo sa uniberso kung saan ang mga bagong madidiskubre ay pinaniniwalaang tulad ng earth kung saan nabubuhay ang tao.
Sa ganitong katotohanan, malakas ang paniniwala sa mga UFO at ang karamihan ay magsasabing nasaksihan nila ang pagbaba ng mga nilalang na nakasakay dito. Marami rin ang maiintriga dahil maniniwala ang mga tao na may mga taga-ibang mundo na nakikisalamuha sa atin.
Dahil dito, maglilitawan ang mga nakagugulat na nilalang na nasa anyong tao na nakagagamot ng mga sakit o karamdaman na hindi kayang pagalingin ng agham ng medisina.
Marami sa mga kakaibang manggagamot na ito ay makapagpapagaling sa pamamagitan ng paghawak sa may sakit at pagtitig sa bahagi ng katawan na apektado ng sakit.
May iba pang mga klase ng nilalang na nasa anyong tao ang maririnig din natin na nakagagamot ng mga sakit na wala nang pag-asang gumaling kung saan ang gamit nila ay kakaibang wika na ngayon lang maririnig.
Sa ganitong nakamamanghang mga kaganapan, ang Inang-Simbahan ay aawat sa mga tao na maniniwala sa kakaibang nilalang na nasa anyong tao.
Sa hanay naman ng ibang grupo ng mga Kristiyano, hahadlangan nila ang kanilang mga miyembro na dumikit o maniwala sa mga ito at idarayo ang mga ito ng bulaang propeta na binabanggit sa kanilang Bible.
Nagsasabing, “Sa huling panahon ay maglalabasan ang mga pekeng propeta na may kakayahan ding magpagaling ng mga karamdaman, pero ang kanilang power ay galing sa hari ng kadiliman.”
Kaya ang mga tao ay malilito dahil hindi nila malalaman kung sino ang tama at mali, gayundin, kung sino ang nagsasabi at gumagawa ng kabutihan sa mga tao.
Sa pagkilos ng gobyerno, marami sa mga manggagamot na nasa anyong tao ay makukulong at mahapan ng kasalanang panloloko sa mga tao.
Gayunman, marami rin sa mga namumuno sa pamahalaan ang lihim na magpapagamot sa mga ito at maging ang mayayaman na ang karamdaman ay hindi na kayang magamot sa pinakamahusay na ospital ng bansa ay lihim ding magpapagamot sa mga maglilitawang tao na may kakaibang kapangyarihan sa panggagamot.
Dahil totoong gumagaling ang may sakit, mas paniniwalaan ng mga tao ang kakaibang nilalang kaysa sa kanilang Simbahang kinaaaniban kaya ang ganitong sitwasyon ay makikitang nagsusulputan din sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga bagong relihiyon na may kakaibang aral at katuruan.
(Itutuloy)
Comments