Kid Kenshin, puwedeng makasilat sa MMTCI
- Ding Taboy
- Jan 10, 2020
- 1 min read

Aalagwa ang pitong karera sa pagtikada ng Additional One Win in Group Races sa Metro Manila Turf Club Inc,.(MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Balikatan ang magiging laban ng mga kalahok sa pag-alagwa ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Maglalaban ang mga kalahok sa Condition Race at Group Race na kapapalooban ng Trifecta, Quartet at Pentafecta.
Sa Race 1 kung saan mag-uumpisa ng WTA sa condition race 21 nakalalamang ang Kid Kenshin kung saan makakatunggali ang Luyang Cave, King Polonius at Irene Smile.
Sa Race 2 magaganap ng simula ng Pick 6 at balikatan ang magiging laban ng mga kalahok na Magnitude Eight, Artikulo Uno at Dangerous Willie. Huwag kakaligtaan ang Yes Music mainam na isama baka makasilat kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta.
Sa Race 3, mag-uumpisa ang Pick 5, kalalamang ang Hello Junior at baka makasilat ang couple entry na Prince Jolo at Born Into Battle, Words of Wisdom at Precious Jewel.
Magsisimula ang Pick 4 sa Race 4 at ipinapatok ang Cinco del Drinco na makakalaban ang Munich, isama ang Coastal Road at Count Me In sa Trifecta at Quartet.
Magkakalaban ang Manila Bay at Shadow of the Sun sa Race 5, isama ang Gentleman Jim at Himig sa Trifecta at Quartet. Sa Race 6, binibigyan ng malaking panalo ang couple entry na Bossa Nova at No Problem laban sa Gintong Lawin ngunit, may laban ang Noble Run.
Magkakalaban ang Batang Baclaran at Union Run, panama ang Gutsy Girl, Pabulong,Tontoneeto at Tito Gene sa Trifecta, Quartet at Pentafecta at Super Six sa Race 7.





Comments