top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Enero 10, 2020 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Jan 10, 2020
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 10, 2020 (Biyernes): Sino ang pi­nagpala? Ang gumagawa ng kabutihan sa kapwa at ang ginawan niya ng ma­buti ay nakalimot. Kaya ikaw ay isa sa mga pinagpala.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit sobrang dami ng laman ng isipan mo at ginagawa, isingit mo ang pagtulong sa kapwa. Sa ga­nitong paraan, ang mga bi­yaya ng langit ay dadaloy sa buhay mo tulad ng agos ng ilog. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-9-10-14-29-37-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng lakas sa mga taong pa­laging nakaalalay sa iyo. Pero pa­lalakasin din ang tapang mo at lakas ng loob ng mga taong hindi mo ma­isahan sa pana­hon ng kagipitan. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-18-23-25-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking ya­man ang nag-aabang sa lan­das ng buhay na iyong ti­natahak. Gayunman, ka­pag pinili mo ang saya kay­sa sa kabuhayan, hindi ka yaya­man ngayon. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-29-30-33-36.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag ka nang mag­hin­tay ng senyales mula sa langit dahil ang pag­kakataon ay nasa harapan mo na. Ang gagawin mo na lang ay lakasan mo ang iyong loob sa pagsunggab. Masu­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-24-26-35-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pi­raso ng bakal ang iyong pam­pabuwenas nga­­yong taong ito. Puwe­deng luma o may sira, ang ma­halaga ay gawa ito sa metal. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong ka­palaran. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-13-24-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng kislap ang bu­hay mo at ma­gugulat ka dahil magkikis­lapan din ang magagandang kapalaran na darating sa iyo. Ito rin ay nagsasabing ang kalungkutan ay iyong iwasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-25-30-31-37-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakaraming pagkakataon ang mapasa­saiyo ngayong Bagong Taon na magbibigay sa iyo ng masarap na buhay. Kaila­ngang mamili ka ng isa at hindi puwede ang magka­kasabay. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-11-18-29-39-40-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Atras-abante ang su­werte mo nga­yon taon, pero sa huli ay ma­tatagpuan mo ang iyong sarili na malaki ang isinulong kay­sa sa mga nakaraang pa­na­hon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-39-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang makabu­buti sa kara­mihan, ‘yun ang iyong piliin. Mas makikinabang ka ka­pag ganito ang iyong de­sisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-20-21-25-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang pagbabago sa buhay mo nga­yong taon. Mapasasaiyo ang noon ay ipinagdamot sa iyo ng kapalaran. Magpasala­mat ka at magbigay ng pa­puri sa nasa itaas. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-20-25-34-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka. Wa­lang sinuman ang may ka­rapatan na bigyan ka ng lungkot. Hawak mo ang kapalaran mo kaya ang payo ay muli kung saan ka ma­saya, roon ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-29-30-35-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tapang at la­kas ng loob ang iyong gawing puhunan. Marami na ang nagtagumpay dahil sa ka­nilang tapang at lakas ng loob at ikaw ay nakatakdang mapabilang sa kanila. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-25-27-38-40-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page