Delta, tinalo ang best shoe sa NBL Black Arrow Cup
- Alvin Olivar
- Jan 10, 2020
- 1 min read

Dinala ni Encho Serrano ang Converge Pampanga Delta sa 100-73 panalo kontra sa Marikina Best Shoemakers noong Linggo sa National Basketball League (NBL) Season 3 Black Arrow Express-President’s Cup sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando.
Gumawa ang manlalaro ng La Salle mula sa Apalit, Pampanga na si Serrano ng 26 points at 5 assists para dalhin ang Delta sa panalo sa unang laro ng conference. Tangka ng Delta na mapanalunan ang first conference ng liga matapos matalo kontra sa Taguig City Generals para sa korona noong Season 2.
Nanguna si Jerome Tarucan para sa Marikina pagkaraang gumawa ng 24 points ngunit hindi ito naging sapat at bumaba ang kartada ng Best Shoemakers sa 0-2. Samantala, nagbuslo ng jumper si Keanu Caballero upang dalhin ang Generals sa 73-72 panalo kontra sa Muntinlupa Generals.





Comments