Bacoor, Gensan at Cebu namahiya ng karibal sa MPBL
- MC
- Jan 10, 2020
- 2 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Ginapi ng South division teams Bacoor, General Santos at Cebu City ang kani-kanilang North counterparts noong Miyerkules ng gabi at binuhay ang kanilang pag-asa sa playoffs sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Pinahiya ng Bacoor Strikers ang Marikina Shoemasters, 100-88, habang ang GenSan Warriors ay nakahabol upang lupigin ang Pasay Voyagers, 76-69 at manatili ang 2-3 spots sa likod ng Davao Occidental Tigers sa 15-team South.
Ang Strikers, na namuno mula simula hanggang matapos ay pumoste ng ika-5 diretsong panalo at umakyat sa 20-5 kartada sa likod ng Tigers, (20-3).
Nagtala ang GenSan ng pitong diretsong puntos upang ipatas ang laro sa 65 at umibayo ang 16-8 win-loss record.
Malakas ang naging simula ng Cebu Casino Ethyl Alcohol at hindi na hinayaan pa ang Quezon City Capitals na makarekober tungo sa 95-89 na panalo upang iangat ang Sharks sa 11-12, dumikit sa 8th ranked na Bicol Volcanoes, (13-12).
Lumamang ang Sharks sa 39-20 at walang lingon-likod ang gunner na sina William McAloney at Fletch Galvez para talunin ang Capitals at itala ang 10-16 kartada.
Nakabasket sina McAloney at Galvez ng tig-17 puntos at 5 rebounds para sa Cebu, habang si Rhaffy Octobre ay may 9 points, 11 rebounds at 5 assists.
Ibinalandra ng Bacoor sina Michael Canete, Michael Mabulac, Gab Banal at RJ Ramirez upang sapatusin ang Shoemasters na lumagpak sa 4-9.
Umiskor si Canete ng 19, 12 rebounds, 3 assists at blocked 3 shots, habang si Mabulac ay may 14 puntos at 12 rebounds para sa double-double.
Bumakas si Ramirez ng 13 puntos habang si Banal, ang MPBL Datu Cup MVP ay nakapagtala ng 9 points, 10 assists at 9 rebounds.
Sa kabila ng 35 point na pinasabog sa Shoemasters ni Yves Sazon naiiwan ang team sa 4-9 habang may bakas na 21-points, 23-rebounds si Renato Ular.





Comments