top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

After bitawan ang role… Liza, todo-comment nang malamang ready na si Jane mag-Darna

  • Beth Gelena
  • Jan 10, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Puspusan ang pagte-training ng aspiring actress na si Jane de Leon ng mga action scenes para sa kanyang laun­ch­­ing movie, ang Darna.

Si Jane ang napiling puma­lit bilang Pinay heroine na da­pat sana ay kay Liza Soberano.

Nagbahagi ng video ang young actress ng mga prepa­rasyong ginagawa para sa Darna movie kung saan ki­tang hirap sa pagte-train si Jane, pero masaya siya dahil naa-achieve niya ang gustong mangyari ng trainer niya sa kan­yang ka­tawan. Patunay na raw na puwedeng-puwedeng sumabak sa mga action scenes si Jane dahil nai­hul­ma na ang kanyang katawan.

Sambit ni Jane, “Akala ko, ‘di ko kakayanin pero laban lang nang laban!”

Ang dapat sana na magi­ging Darna na si Liza ay nag­ko­mento ng heart emoji, meaning na na-appreciate niya ang lahat ng mga ginagawa ni Jane.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page