Ravena sa Mighty Sports PHL sabak sa Dubai Invitational
- Paez, Jr./ Arce
- Jan 9, 2020
- 1 min read

Maglalaro para sa Mighty Sports-Philippines ang dating manlalaro ng Ateneo na si Thirdy Ravena para sa nalalapit na Dubai Invitational Basketball Tournament. Ito ang sinabi ni Mighty Sports head coach Charles Tiu kahapon sa kanyang Twitter account.
“Excited to have @ThirdyRavenaaa join our Mighty Sports team in Dubai,” wika ni Tiu kahapon.
Lalong pinalakas ng Mighty Sports ang kanilang koponan para sa torneo na gaganapin sa Enero 23 hanggang Pebrero 1. Galing lang si Ravena sa pagkapanalo ng kanyang pangatlong UAAP Finals MVP matapos dalhin ang Ateneo sa korona kontra University of the Philippines sa Season 82 ng liga.
Hindi muna nagpa-draft si Ravena sa PBA kamakailan dahil sa kanyang planong maglaro sa Japan o kaya sa Australia. Nakasama rin siya sa pool ng Gilas Pilipinas para sa darating na 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na magsisimula ngayong Pebrero.
Makakasama ni Ravena sa koponan ang mga mabibigat na mga pangalan katulad nila Andray Blatche, Kai Sotto, Juan Gomez De Liano, Mikey Williams at PBA player na si Beau Belga ng Rain or Shine.
Kasama rin sa koponan si Dave Ildefonso na naglaro sa National University noong nakaraang season ng UAAP, Jamie Malonzo ng La Salle at Javi Gomez De Liano ng UP. (Alvin Olivar)





Comments