Super 6 carry-over P19,379.90 sa MMTCI
- Ding Taboy
- Jan 9, 2020
- 1 min read

Magaganap ngayong gabi ang Super 6 carry over na inaasahan na tatangkilikin ng Bayang Karerista sa pagtikada ng anim na karera sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), Malvar, Batangas.
Balikatan ang magiging laban sa Additional One Win in Group Races kasabay ng pag-alagwa ng Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Paglalabanan sa 4 Condition Races, isang Group Race at isang 3 Year Old & Above Maiden Race na kapapalooban ng Trifecta, Quartet at Pentafecta.
Sa Race 4 magaganap ang Super 6 carry over sa pag-alagwa ng Condition Race (19) at nakataya ang P19,379.90 bukod pa sa benta sa karerang magaganap.
Subalit bago ito, sa Race 1 mag-uumpisa na ang Pick 6 balikatan ang magiging labanan ng mga kalahok na Yoshiko, Minalim, Avenues Shopper, Pitong Gatang, isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Double Rock.Sa Race 2, nakalalamang ang Quincy at makakalaban ang Humuhumukunukunu at Panatag Shoal sa Trifecta at isama ang Rafa sa quartet kasabay nito ang simula ng Pick 5.
Magsisimula ang Pick 4 sa Race 3 at ipinapatok ang Excomunicado habang makakalaban ang couple entry na Correct Ka Diyan at Jurisprudence at Jinxky.Sa Race 4, nakalalamang ang Born In April laban sa Doshermanos Island at Laughing Tiger.
Sa Race 5, magkakalaban ang Sorsogon Bay at Beyond D’ Sea at isama ang A Certain Smile at Boy’sofmeadows, sa Trifecta at Quartet.Sa Race 6, binibigyan ng malaking panalo ang Summer Cruise at makakalaban ang Jawo, isama ang Stalag Seventeen at Wild Talk.





Comments