top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

KC, imbes protektahan, ipinahiya pa?… Sigaw ng Netizen: Sharon, immature!

  • Melba Llanera
  • Jan 9, 2020
  • 1 min read

Hati ang reaksiyon ng mga netizens sa naging pahayag ni Sharon Cuneta sa nakaraang guesting niya sa ASAP para sa kanyang kaarawan kung saan present ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan at ang mga anak nilang sina Frankie, Miel at Miguel at absent naman ang panganay niyang anak kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

Naging kapansin-pansin at lumikha ng intriga ang binitawang mensahe ni Megastar nang ipagsigawan niyang mahal na mahal siya ng tatlong anak at sana ay tularan ng mga ito si Sarah Geronimo na isang mabuting anak.

Nag-post naman si KC sa kanyang IG account kung saan humingi ito ng tawad at sinabing dahil sa ilang personal na dahilan kaya ‘di siya nakadalo sa ASAP pero mahal niya ang ina at alam niya ang mga pinagdaanan nito sa buhay dahil maaga itong pumasok sa pagiging isang ina nang ipinagbuntis siya.

May ilang pumabor kay Sharon at nagkomento na ilang beses na rin pinasakit ni KC ang loob ng kanyang ina at sana ay naglaan ito ng oras para sa selebrasyon ng kaarawan nito. Nagpakatotoo lang daw si Shawie sa binitawang salita dahil ‘di nito ugaling itago ang nararamdaman.

Para naman sa ibang salungat sa ginawa ng aktres, bilang isang ina, si Sharon mismo ang dapat nagpoprotekta sa anak at ‘di ‘yung inilalagay pa niya ito sa kahihiyan at intriga. Ayon din sa iba niyang tagahanga ay immature ang ginawa ng Megastar.

Ilang beses na ring nagkatampuhan ang mag-ina pero sa huli ay naaayos din naman ito, hiling lang ng mga tagahanga nila ay magka-usap sila at matuldukan ang hidwaan nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page