top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Eat Bulaga! host, binanatan sa pambabastos?… Joey sa flight attendant: Sana masakyan kita!

  • Beth Gelena
  • Jan 9, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Binatikos ng mga netizens ang Eat… Bulaga! host na si Joey de Leon dahil sa pagbibiro nito kahapon (January 7) sa isang flight attendant na, “Sana, masakyan kita.”

Ang nasabing flight attendant ay isa sa mga contestants ng segment na Bawal Judgmental.

Post ni @PanPan29439418 sa socmed, “Joey de Leon, you are a f**ing legend. Hahaha, @AngPoetNyo @danna_socaoco hope you are fine dear #joeydeleon #pepsipaloma #EatBulaga.

“Looking for something helpful topic, but then this. Just think of the worldwide advocacies for women. A good standing show. Very disappointing, Joey de Leon. #RespectWomen.”

Post naman ni @Clarence Molina: “I love Eat… Bulaga! but Joey de Leon always proving that he is an insensitive host.

Saying, ‘Sana masakyan kita’ to a flight contestant in Bawal Judgmental is showing no respect to the audience and to the contestants.

“Stop those lame & double meaning jokes. Konting character development naman.”

Tanong naman ng isang netizen, kelan ba mari-realize ng Eat… Bulaga! na ang kanilang mga male hosts ay mahilig magbato ng mga jokes na may double meaning, especially umano sina Joey at Jose Manalo at kailangan daw sigurong mag-undergo ng ethics training ang mga ito.

Sey pa ng isang netizen, ‘pag showbiz talaga, mas affected ang mga tao. Pero kapag mga idol nilang PULITIKO ang nagsalita ng mas diretsahang kabastusan, papalakpak pa. Hay, Pinoy!

Unahin daw munang punahin ang kabastusan na lumalabas sa bibig ng mga namumuno at ilang pulitiko sa bansa kesa kay Joey na ang trabaho is just to entertain people.

Sino pa nga ba’ng tinutukoy nila kundi si Pangulong Rodrigo Duterte mismo?

May nagsabi rin na dapat ay sa comedy bar na lang mag-work si Joey, tutal ay puwede siyang maging stand-up comedian at usung-uso roon ang mga jokes na may double meaning.

At least sa comedy bar ay walang nanonood na mga bata unlike sa Eat… Bulaga! na karamihan ay kabataan ang audience.

Hanggang ngayon ay tahimik si Joey sa pambabatikos ng mga netizens. Abangan na lang kung may ipupukol siyang another jokes para sa mga bashers o dedepensahan ang kanyang sarili sa mga ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page