Ang dami raw nagtatanong sa kanya… Angeline, excited nang makita ang anak nina Coco at Julia

Iniingatan pa rin ni Angeline Quinto ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Coco Martin years back. Matatandaang na-link ang dalawa habang ginagawa nila noon ang pelikulang Born To Love You at pinaniniwalaang nagkaroon talaga sila ng short relationship.
Ayaw nang i-recall pa ni Angeline ang nangyari at ayaw na rin niyang sagutin kung naging sila ba or hindi. Pero nang matanong nga ang tungkol sa kuwintas sa pocket interview ng Voices For Love na pre-Valentine concert nila ni Jed Madela, aniya ay nasa kanya pa rin ito.
Biniro rin si Angge (tawag kay Angeline) ng press na paano raw kung makita ni Julia Montes na suot niya ang kuwintas.
As we all know, up to now ay hindi pa rin namamatay ang tsikang may relasyon sina Julia and Coco at nadagdagan pa nga dahil may tsismis ngang may anak na sila.
Pabirong sagot ni Angge: “Eh, di ibibigay ko na lang sa kanya. ‘Sa ‘yo na lang,’ ganu’n,” seryosong saad ng Birit Queen.
Nang matanong kung wala pa ba si Julia sa bansa, aniya, “Sa ngayon, hindi ko pa po alam. Pero kasi nga, dahil nanggaling din siya ng Cornerstone, kapag nakikita ko na nagpo-post ‘yung dating handler niya, si Kuya Mac, nakakatuwa lang.”
Ang Cornerstone Entertainment, Inc. ang management nila ni Julia na pag-aari ni Eric Raymundo.
When asked kung okay naman si Julia, sagot ni Angge, “Opo.” Pero sa picture pa lang daw niya nakita ulit ang aktres at hindi sa personal simula nang bumalik ito.
“Basta ang sabi lang ni Kuya Mac nang magkita kami, ‘Ge (shortcut ng Angge), kinukumusta ka ni Julia.’”
Kaswal na naitanong sa kanya kung nakita na ba niya ang sinasabing baby nina Julia at Coco at sagot niya, wala naman siyang alam tungkol sa issue.
Pabiro siyang sinabihan ng press na “Echosera,” at sagot niya, “Mamatay na. Totoo, hindi ko alam. Kung may maririnig man ako, hindi ko kasi ugali ‘yung ‘Uy, totoo ba ‘yung tsika?’”
Dagdag pa niya, “Eh, di kung totoo, excited akong makita ‘yung bata. Kung hindi, okay lang din.”
Inamin ni Angeline na may mga nagtatanong din sa kanya regarding this at aniya ay hindi niya talaga alam ang isasagot.
Sa ngayon ay wala raw siyang love life kaya sa Valentine’s Day ay nganga siya at magtatrabaho na lang tulad nga nitong Voices For Love dinner concert nila ni Jed na gagawin sa Feb. 12 sa Marriott Hotel.





Comments