top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

31-anyos na walang BF, magkakadyowa kung pagagandahin ang pirma at lalagyan ng puso sa dulo

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 9, 2020
  • 3 min read

Dear Maestro, Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ano ang magiging kapalaran ko ngayong 2020, lalo na sa pag-ibig? Nagtataka ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Kinakabahan tuloy ako na baka tuluyan na akong tumandang dalaga kasi ‘yung mga kaibigan at pinsan ko ay may mga asawa na at ‘yung iba ay may mga anak na, gayundin, madalas pa akong nakukuhang ninang. Kaya sana, malaman ko kung makapag-aasawa pa ako o sadyang tatandang dalaga na? June 16, 1988 ang birthday ko.

Umaasa, Ms. Gemini ng San Isidro, Cainta, Rizal

Dear Ms. Gemini, Ikaw ay nagtataglay ng weak number na 7 dahil ang 16 ay 1+6=7, sa destiny number na 3 (ang June 16, 1988 ay kinokumpyut ng ganito, 6+16+1988=2010/ 20+10/ 2+1=3) sa zodiac sign na Gemini at sa ruling animal sign na earth dragon.

Ibig sabihin, weak number ang birth date mong 7 kaya ngayon ay umabot ka ng edad 31 nang hindi pa rin nakapag-aasawa o nagkaka-boyfriend, habang ang destiny number na 4 ay nagbabadya ng kalungkutan sa pakikipagrelasyon sa unang pag-ibig.

Ngunit, kung pananaigin mo ang iyong animal sign na Dragon at zodiac sign na Gemini, sigurado na ngayong year of the Metal Rat, bigla kang magkaka-boyfriend, pero dahil likas na nabibigo sa unang pag-ibig ang mga may destiny number na 3, tiyak na ang unang boyfriend mo ay hindi mo makatutuluyan, ngunit sa ikalawa o ikatlong pakikipagrelasyon, walang duda, siya na ang makakasama mo habambuhay.

Kaya ang dapat mong gawin tulad ng nasabi na, kapag nagka-boyfriend ka ng una, asahan mong hindi mo ito makatutuluyan, pero sa ikalawa o ikatlo, dapat ay mabilis kang magpasya at kumilos dahil ito ang susi ng zodiac sign mong Gemini na may ruling planet na Mercury. Ngayon, kung babagal-bagal kang kumilos, magsalita at magpasya, malabo ka na talagang magka-boyfriend at makapag-asawa pa.

Basta ang mahalaga, anuman ang gagawin mo, bilisan at tapusin mo agad. Sa ganyang paraan, mas madali mong mahihigop ang suwerte at magandang kapalaran sa lahat ng aspeto ng buhay, hindi lamang sa pag-ibig kundi pati na rin sa career at pananalapi.

Samantala, kung ang birth date mong 7 ang pagbabatayan, ang kailangan mo lang ay palaging gumamit o magsuot ng green o black. Sa ganyang kasuotan, mas madali mo nang mahihigop ang suwerte at magandang kapalaran, hindi lang sa pag-ibig kundi pati na rin sa career at sa aspetong pagkakaperahan.

Bukod sa green at black, puwede ring palagi kang magsuot at gumamit ng gray at alahas na silver. Isuot mo palagi ang berde tuwing sasapit ang mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Lunes at Linggo. Tuwing sasapit naman ang mga petsang 8, 17, 26, 9, 18 at 27, higit lalo at natapat ang nasabing mga petsa sa araw ng

Sabado at Biyernes, isuot mo ang itim upang lalo pang tumatag at tumibay ang iyong personalidad dahil ang mga ito ang aakit ng suwerte at magagandang kapalaran.

Isuot mo naman ang gray o silver tuwing sasapit ang mga petsang 5, 14 at 23, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Miyerkules.

Dagdag pa rito, pansinin mo ang iyong lagda na bukod sa sobrang liit ay sa pasubsob o pababang direksiyon ‘pag natapos. Negatibo o pangit ang kahulugan n’yan na nagsasabing halos pasuko ka na sa buhay mo, halos wala na ring sigla at halos wala nang init ang iyong libido at sigasig upang makahanap ng magiging boyfriend at mapapangasawa mo.

Sa madaling salita, dapat mong baguhin ang iyong pirma upang mabago rin ang iyong tadhana kung saan dapat lakihan mo ang pagkakasulat ng mga letra. Dagdag pa rito, kailangang tapusin mo ang iyong lagda sa pamamagitan ng tuwid o straight line at sa dulo ng nasabing guhit, ‘wag na ‘wag mong kalimutang lagyan ng medyo maliit o kaayusang laki na korteng puso.

Sa ganyang paraan, makikita mo, ngayong taon ding ito ng 2020, magkaka-boyfriend ka na, pero magkakahiwalay din kayo ng unang boyfriend mong ito.

Ngunit, sa ikalawang pakikipagrelasyon sa susunod na taong 2021 sa edad mong 32 pataas, walang duda, ang ikalawang boyfriend mong ito na isinilang sa zodiac signs na Aquarius o Libra ang siya mo nang makatutuluyan at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page