top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pasaway na taumbayan plus dedmang mga mayor = kalsadang magulo pa rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2020
  • 1 min read

Ningas kugon!

Kumusta na nga ba ang paglilinis sa mga kalsada at bangketa?

Tila marami na naman ang nakalimot na ang kalsada ay para sa mga sasakyan habang ang bangketa ay para sa tao — hindi parking lot at hindi para sa tindahan.

Kaya naman, panibagong direktiba ang inaasahang ilalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa local government agencies para sa road clearing.

Hindi lang para sa mga nakalimot kundi para sa mga mismong pasaway na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusunod sa kautusan. Sinabi nang linisin ang kani-kanilang nasasakupan, pero dedma lang.

Kaya kasabay nito, sampung alkalde ang sinampahan na ng kasong gross misconduct at gross neglect of duty. Bilang ama o ina ng lungsod, munisipalidad, walang ibang inaasahang unang kikilos kundi tayo.

Ano ba naman ‘yung ilang oras na paglabas mula sa de-aircon na opisina para silipin kung maayos o malinis ba ang nasasakupan? ‘Yung kaunting oras na pagkumusta sa mga tauhang namamahala sa bawat barangay ay napakalaking bagay na.

Hindi man kayanin ang personal na paglibot, nand’yan ang social media, sobrang active ng publiko, halos oras-oras ay may makikitang post ng reklamo o request para sa barangay.

Kung tutuusin, maraming paraan kung talagang gugustuhing mapanatili ang maayos na pamayanan.

Sadyang mahirap sa umpisa at mas mahirap ipagpatuloy, pero kung sapat ang dedikasyon alang-alang sa kapakanan ng nakararami, kakayanin pa rin.

At sa matitigas ang ulo na ayaw kumilala at sumunod sa batas, 2020 na, magbago na tayo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page