Nanaginip na napunta sa iba’t ibang lugar, sign na haho-homesick abroad
- Socrates Magnus
- Jan 8, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Love Heart ng
Love_Heart@facebook. com
Dear Professor, Ano ang kahulugan ng panaginip ko? Patay na ‘yung ex-boyfriend ko at ang nakapagtataka ay nakaburol siya malapit sa bahay namin, samantalang medyo malayo ‘yung bahay nila sa tinitirhan ko.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin siya. Naghiwalay kami nang hindi maayos, walang closure at kapag naiisip ko siya, sinasabi ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya kahit pareho na kaming may sariling pamilya.
Iniisip din kaya niya ako hanggang ngayon? Maraming salamat!
Naghihintay, Love Heart
Sa iyo Love Heart, Sure na sure, iha, hanggang ngayon ay iniisip ka pa rin ng ex mo at mahal ka pa rin niya, gayundin, ang pagmamahal niya ay mananatili hanggang sa kamatayan.
Ito ang ibig sabihin ng nakaburol siya malapit sa bahay n’yo. Alam mo, mahirap paniwalaan at maaaring kontrahin ng marami na ang tao ay minsan lang umibig o magmahal.
Makadilat-mata at ang kilay ay baka tumaas pa kapag muli nating inulit na ang tao ay minsan lang magmahal o umibig.
Ang love na tinutukoy sa “minsan lang umibig” ay true love at dahil ito ay “true”, dapat isa o one time lang.
Dahil kapag ang iba pang pagmamahal na mararanasan natin ay true pa rin, ang dami nang true at dapat ang true ay isa lang.
Labag sa diksiyunaryo na ang true love ay marami dahil muli, isa lang dapat ang true love.
Kaya ang iba pang pag-ibig sa buhay ng tao ay love rin, pero ang mga ito ay hindi na ganap na true, as in, kunwari lang ay true, inilalagay lang ang salitang “true” para masabing tunay ang pag-ibig.
Isa lang ang tunay at ang iba ay hindi na orihinal dahil kapag marami ang orihinal, hindi na ito makatotohanan dahil sa true love, dapat tayong maniwala sa “one and only true love.”
Muli, ayon sa iyong panaginip, ex-BF mo ang iyong true love at dahil siya ang nag-iisang true love mo, hindi imposibleng magkabalikan kayo.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments