Kinuhang co-host sa It's Showtime… Catriona, ipinantapat ng dos sa ex-BF na si Clint sa siyete
- Julie Bonifacio
- Jan 8, 2020
- 1 min read

Pinasok na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang show business as special guest co-host sa It’s Showtime. Magho-host siya sa Kapamilya noontime show for one week in celebration of her birthday, ayon na rin sa kagustuhan ng dating Miss Universe.
On her first day sa show, halatang stiff at “nanganganay” pa si Catriona sa bagong karera na pinasok. Normal naman ‘yun sa lahat ng baguhan.
Kitang-kita rin ang pag-e-effort ni Catriona lalo na in communicating with the hosts, contestants and madlang pipol in Tagalog habang nagho-host.
Pero bago pa man pumasok sa It’s Showtime si Catriona, ang former boyfriend niya na si Clint Bondad ay tila “adopted” member na ng Dabarkads ng Kapuso Network, ang Eat… Bulaga!. Aware kaya si Catriona regarding this?
Wala naman sigurong intensiyon si Catriona na tapatan ang ex-BF niya sa kabilang programa. For sure, pareho na silang naka-move on sa kanilang hiwalayan.





Comments