top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Buhay na buhay kahit walang TV show… Kris, todo-displey ng shopping galore sa Tate

Beth Gelena
Jan 8, 2020
2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @krisaquino

Sa U.S. nag-celebrate ng Christmas ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby. Pumunta sila sa Basilica San Juan Capistrano, California, U.S.A. para mag-offer ng kanilang prayers.

Ang cute panoorin ng mag-iina na naka-upload sa YouTube channel ng Queen of All Media. Nagmistulang boyfriend ni Kris ang dalawang anak dahil parehong umaalalay sina Josh at Bimb sa kanya. Salitan ang kanyang mga boys sa paglalakad nila nang naka-holding hands.

Si Kris, panay ang sabing, “Ang ginawwww… ang lamig…whooo…,” habang pinapayungan siya ni Bimb dahil may snow rain.

Sabi nga ni Kris, “Sabi ni Kuya ‘Welcome to the rain.’” After ng kanilang prayer ay nag-ikot sila sa paligid ng San Juan Capistrano.

Nakakita si Kris ng lemon tree at gusto rin daw niyang magkaroon nito sa kanilang tahanan. Nagpakuha pa ng picture ang mag-iina sa lemon tree.

Kinabukasan, ang ginawa naman ni Kris ay ang mag-shopping ng mga cooking wares kasama ang two boys. Halos lahat yata ng cooking wares na branded na Le Creuset ay binili ni Kris. Siguro, ang iba ay ipanreregalo ng TV host-actress.

Sabi kasi niya, “If more than a gift, share joy for generations.” Ayon pa kay Kristeta, bago sila nagpunta sa signature cooking ware ay nagawi muna siya sa Amazon store para i-compare ang presyo.

“Ang laki ng comparison ng presyo,” aniya. After mag-shopping ay naglakad sa downtown ang celebrity family. Very accommodating si Kris sa mga Pilipinong nagpapakuha sa kanya ng mga larawan kasama ang mga anak niya. Minsan, si Bimb pa ang kumakalabit sa ina kapag hindi napapansin ni Kristeta na may gustong magpa-picture sa kanila.

Ganyan si Kris kung magmahal sa kanyang dalawang anak. ‘Pag nagta-travel ay hindi puwedeng siya lang mag-isa, talagang wherever she goes ay bitbit ang two boys niya kahit na malalaki na ang mga ito.

Isang netizen ang nagkomento sa kanyang vlog, sana raw ay magbalik na siya sa pagho-host ngayong 2020.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page