Binalaan ng feng shui expert, kung dati, laging panalo… Pacquiao, malas sa boxing ngayong 2020
- Erlinda Rapadas
- Jan 8, 2020
- 1 min read

Hindi pa nga magreretiro ang People’s Champ na si Senator Manny Pacquiao at magpapatuloy pa siya sa kanyang boxing career kahit isa na siyang inirerespetong senador.
Pinatunayan ni Pacman na kaya pa niyang harapin at sagupain ang mga mas batang boksingero at malabong tumigil na siya sa boxing. Hindi rin siya magawang awatin at pigilan ni Jinkee at ng kanyang Mommy Dionisia.
Kaya naman isang magaling na psychic at fengshui expert ang nagbigay ng babala sa People’s Champ sa kanyang mga haharaping laban ngayong 2020. Si Sen. Manny ay isinilang sa Year of the Horse at ngayong taon ay Metal Rat.
Hindi raw magiging masuwerte ang mga taong nasasakop ng Year of the Horse. Dapat daw na mag-ingat nang husto si Sen. Manny sa kanyang laban ngayong 2020. Huwag siyang masyadong maging kampante, kahit baguhan ang makakalaban niya.





Comments