#NoToJulie, trending sa socmed, show lalong tumaas sa rating… Julie Anne, nakipagsayaw kay Alden, in
Nitz Miralles / Bida

Masaya si Julie Anne San Jose sa pilot episode ng All-Out Sundays at worth it daw ang ilang araw nilang rehearsals at ang best na ibinigay ng bawat performer, mainstay man o guest.
Mas matutuwa pa si Julie Anne at ang lahat ng bumubuo ng Team AOS sa lumabas na rating. Panalo ang AOS with 6.1 percent, mas mataas sa katapat na show.
Kabilang sa mga “nagpaingay” sa show ang dance number nina Julie Anne at Alden Richards sa opening. Ilang minutes lang ang dance number na ‘yun, pero may mga umalma, mayroong hindi nagkagusto at alam ni Julie na ‘yun ang rason kung bakit nag-trending ang #NoToJulie na kinontra ng hashtag na #YesToJulie.
Wala naman palang dapat ipag-alala ang mga kontra na pagtambalin sila ni Alden dahil sabi ni Julie, hindi magbi-build-up ng love team ang AOS, mas ipi-feature ang pagiging solo performer ng bawat isa. Kung may mga production numbers man, nagkakataon lang. Kaya sa mga susunod na Linggo, sina Rayver Cruz, Derrick Monasterio, Mark Bautista at Christian Bautista ang makakasama ni Julie sa production number.
Magandang nagtapos ang 2019 kay Julie at maganda rin ang salubong sa kanya ng 2020 dahil bukod sa AOS, may mga awards at nomination siya. Kabilang dito ang category para sa Best Actress sa Asian Television Awards na gaganapin sa January 10 to 12 sa New Performing Arts Theaters ng Resorts World.
May bagong album ding ilalabas si Julie na karamihan ay collab with different artists kabilang si Rico Blanco. Siya rin ang kumanta ng theme song ng Descendants of the Sun na You’re My Everything at makakasama siya sa promo nito.
“This is a year of breakthrough and I’m claiming it. This is gonna be a good year at ang isang gusto kong gawin, muling gumawa ng teleserye. Gusto kong ipagpatuloy ma-hone at ma-develop ang acting ko. Also, kahit matagal pa, I’m excited sa Season 3 ng The Clash. Kaya ayokong mag-focus sa negative, toxicity is what I don’t need right now,” sabi ni Julie.





Comments