top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Fiancée ni Matteo, diretso na sa Italy… Kasal ni Sarah, pagkatapos ng valentine concert nila ni Reg

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 7, 2020
  • 1 min read

Sino kaya ang mauunang magpakasal ngayong 2020, sina Angel Locsin at Neil Arce o sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

Si Angel, lihim na lihim kung kailan ang kanyang wedding, although nababalita nang inaayos na niya ang detalye nito. Tanging pamilya at malalapit na kaibigan ni Angel ang nakakaalam kung kailan magaganap ang big event.

Si Sarah, busy sa pag-eensayo sa nalalapit nilang Unified Valentine concert ng Asia’s Songbird na si Regine Ve­lasquez pero may pasabi ang kampo niya na pagkatapos nito ay magpapahinga muna ang Pop Royalty at bibiyahe na pa-Italy para sa kanyang wedding preparations.

Wala pang official announcement sa detalye ng ka­salang Sarah at Matteo kaya hindi alam ng mga fans kung March o sa April ito magaganap. Ang tiyak lang ay sa Italy ang wedding dahil doon na didiretso si Sarah ma­tapos ang Unified concert nila ni Regine.

Happy ang mga Popsters para sa kanilang idolo. Deserve naman ni Sarah na magkaroon ng love life at maging maligaya sa piling ni Matteo. Sila talaga ang itinakda sa isa’t isa at naipaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page