Davis at James, bumida para sa Lakers sa 5th straight win
- MC
- Jan 7, 2020
- 2 min read

Nagtala si Anthony Davis ng 24 points, 11 rebounds at season-best eight blocked shots upang matulungan ang Los Angeles Lakers na irehistro ang 106-99 victory laban sa bisitang Detroit Pistons kahapon.
Dumagdag si LeBron James ng 21 points, 14 rebounds at 11 assists para sa kanyang ika-9 na triple-double ngayong season nang makuha ng Lakers ang ikalimang sunod na panalo.
Umiskor si Alex Caruso ng 13 points, bumakas si Dwight Howard ng 11 points, 9 rebounds at five blocked shots, habang si Kentavious Caldwell-Pope ay may 10 para sa Lakers. Nakagawa si JaValee McGee ng anim na tres puntos.
Samantala sa iba pang laban, kumamada si Jonas Valanciunas ng walo sa kanyang team-high 30 points sa third-quarter nang manguna ang Memphis Grizzlies sa tikas ni Devin Booker tungo sa 121-114 victory kontra sa host Phoenix Suns.
Tumapos si Booker na may 40 points, kasama na ang 14 sa final 5:28, sa paghahabol ng Suns mula sa 14 na puntos na pagkaiwan at nakadikit na sa 115-112 sa nalalabing 52.6 segundo ng laro.
Bumasket si De’Anthony Melton ng dalawang free throws sa natitirang 36.3 segundo, makaraan ang foul shots nina Ja Morant at Solomon Hill para idiretso sa panalo ang Memphis na ikalawa nang pagwawagi sa Phoenix ngayong season.
Nangunguna pa ang Suns sa 11 puntos sa first quarter, pero naiwan na sa halftime, 62-57 at tuluyan nang idiretso ng Grizzlies ang kalamangang 96-77 sa pagtatapos ng third period.
Bumanat si Jaren Jackson Jr. ng magkasunod na 3-pointers sa kabuuang 8 puntos niya habang si Valanciunas ay may 16 sa naturang canto. Lumalamang ang Memphis sa 109-95 sa huling 5:43 minuto ng laro bagamat kinapos si Booker hanggang sa dulo ng laro.





Comments