top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alab Pilipinas, sinampolan ng Wolf Warriors sa ABL

  • Alvin Olivar
  • Jan 7, 2020
  • 1 min read

Natalo ang San Miguel Alab Pilipinas kontra Macau Wolf Warriors, 98-93, noong Linggo upang simulan ang 2020 sa ASEAN Basketball League sa Filoil Flying V Centre.

Gumawa si Douglas Herring at Julian Boyd ng tig-21 points para sa Macau Wolf Warriors upang makuha ang kanilang pangatlong panalo sa pitong laro.

Kahit pa umiskor si Alab import Nick King ng 33 points ay hindi ito napigilan ang koponan na sumadsad sa kanila sa pangalawang talo sa anim na laro. Nagtala naman ng 15 points si Khalif Wyatt habang 11 ang tinala ni Lawrence Domingo para sa Alab.

Samantala, tatangkain ng Alab Pilipinas na makabawi sa talo sa kanilang paghaharap kontra sa Taipei Fubon Braves sa ganap na alas-4 ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

May tangan na 6-3 kartada ang Fubon bago ang kanilang paghaharap laban sa Alab Pilipinas, na paghahandaan ang import ng Braves na si OJ Mayo.

Dating NBA player si Mayo at napili na pangatlo sa draft noong 2008 ng Memphis Grizzlies. Naglaro si Mayo hanggang 2012 sa Grizzlies at naglaro rin sa Dallas Mavericks at Milwaukee Bucks matapos nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page