top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Aabangan at hitik sa aksiyon ang ONE 2020

  • Gerard Arce
  • Jan 7, 2020
  • 1 min read

Asahang mas magiging kapana-panabik at hitik sa aksyon ang handog ng Asia-based martial arts na ONE Championship sa pagpasok ng taon dahil sa pagpapalawig ng mga events na mapapanood sa mga susunod na laban.

Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng malalaking laban sa Japan na ONE: A New Era at One: Century part 1 at 2, inanunsiyo ni chairman at CEO Chatri Sityodtong na maaari pa nilang iangat sa 50 events para sa taong kasalukuyan.

Sinabi rin ng kumpanyang ONE na nakahanda na ang mga lokasyong paggaganapan ng mga laban sa unang quarter ng taon kung saan nakatakdang ganapin sa mga lugar na Bangkok, Thailand; Manila, Philippines; Jakarta, Indonesia, Singapore at Kuala Lumpur, Malaysia. Kabilang rin sa mga nasa listahan ay ang Chongqing, China; Ho Chi Minh, Vietnam; Tokyo, Japan; Seoul, South Korea, gayundin sa Macau, China.

Inihahanda na rin ng One events ang iba pang mga palabas nito na siguradong hahatak sa panlasa ng mga manonood kabilang na ang Rich Franklin’s ONE Warrior Series, ONE Hero Series, at ang susubaybayan ng kabataan na ONE ESports.

Unang sasalanang para sa ONE Championship ngayong taon ang ONE: A NEW TOMORROW na magaganap sa Biyernes, Enero 10 sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand, kung saan inaabangan ang rematch para sa ONE Flyweight Muay Thai World Championship sa pagitan nina hometown hero at reigning titleholder Rodtang “The Iron Man” Jitmuangnon at dating kampeon na si Jonathan “The General” Haggerty ng United Kingdom.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page