top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sky Candy, nagwagi sa 3 yo group race

  • Ding Taboy
  • Jan 6, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Magandang karera ang natunghayan ng bayang karerista para sa taong 2020 sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), Malvar, Batangas.

Sa unang buwan ng Enero agad nagpasabog sa MMTCI ng magandang laban na pinagwagian ng Sky Candy sa 3 Year Old Group Race nitong Sabado.

Nanalo sa pamamagitan ng banderang tapos ang Sky Candy at pumangalawa ang Heneral Kalentong sa Race 1. Nagpakita ng magandang laban ang Hold On nang pataubin ang mag-couple entry na It’s a Deal at Crown in My Head sa isang photo finish na laban.

Nagbigay ng magandang debidendo sa forecast ang Mark of Excellence at Trifecta, Quartet at Pentafecta matapos tanuin ang Beacon Street at ang Shoo-in sa Race 3.

Naghatid ng magandang dibidendo sa double sa pagkakapanalo ng All for Gee sa Race 4 at naghatid ng magandang dibidendo sa Pick 5 ng manalo ang Tubig at Langis sa Race 5.

Nagwagi sa isang banderang tapos ang Greatest Joy sa Race 6, nagwagi ang I Feel Good sa Race 7. Naghatid ng dibidendo P3,121.00 sa WTA sa pagkakapanalo ng Du Pont Circle, gayundin ang Señor Lucas sa Race 9 at Take Advantage sa Race 10.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page