GF na si Andrea, pinagpipiyestahang buntis… Derek, magkakaanak na?
- Beth Gelena
- Jan 6, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Isa si Derek Ramsay sa mga bumati nang magsilang ng malusog na sanggol ang dati niyang girlfriend na si Solenn Heussaff.
Sa socmed ng Kapuso actor, may pahaging siya sa pagbati, “Congratulations Solenn. Me, next (smile emoji).”
Komento ng isang netizen, “‘Di ba, naging ama na siya?”
Tanong tuloy ng iba, ‘di kaya buntis na si Andrea Torres? Hindi raw magpapahaging si Derek ng “ako naman” kung wala siyang ini-expect kay Andrea.
Sey ng isa pang netizen, “Thought of the same thing, baka naman he meant father of his LEGAL wife na.”
Ang question, ngayong null and void na ang kasal ni Derek sa ex-wife, may posibilidad na bang maging legal wife niya si Andrea?
Kung gusto pang magkaroon ng anak ng Kapuso actor, kailangan daw niyang i-present ang kanyang upbringing.





Comments