Niyayayang maligo sa pool ng iba’t ibang lahi na puro hubo’t hubad, sign na gustong yayain sa kabuti
- Socrates Magnus
- Jan 5, 2020
- 3 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Lui Chun ng Lui_Tak@facebook. com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Isang araw, tinawagan ako ng ate ko at sinabi niya na pumunta ako sa kanila sa Linggo dahil may dadaluhan kaming pagtitipon. Gayundin, pinagdadala niya ako ng magandang damit at isama ko si Tom (kapatid ng misis ko). Tinawagan ko ‘yung bayaw ko at sinabi ko ang bilin ng ate ko. Sabi ni Tom, “Ay, alam ko na ‘yan. Gusto niya na sumali tayo sa Simbahan nila.” Born Again ang ate ko. Pumunta rin kami, pero wala kaming dalang ekstrang damit. Nag-unahan kaming makapunta, gayundin, maganda ang kalsada, pero maraming bato ang ikinalat para hindi siguro makadaan ang mga kotse. Nakita ko sa bandang ibaba ng highway na dumaan na sina ate at bayaw kaya itinuloy ko pa rin ang pagda-drive para hindi nila ako maunahan, pero halos sabay lang kaming nakarating. Parang nakaramdam ako ng pagsisisi sa pagda-drive ko kasi hindi naman talaga ako nauna, tapos nakaldag pa nang husto ang sasakyan ko. Ang venue ay parang malaking pavilion. Pumasok si ate at asawa niya, hinihila kami ng bayaw ko, pero hindi kami pumasok kasi hindi kami nakaputi. Habang naghihintay kami sa labas, naisipan kong mag-ikot sa paligid. Nang papalapit na ako sa isang gusali, nakarinig ako ng malakas na lagaslas ng tubig. Napaisip ako kung ano at saan galing ‘yung tunog na ‘yun. Pagkatapat ko sa pinto, may naririnig akong ingay ng mga tao na parang nagkakasiyahan. Out of curiosity, binuksan ko ‘yung pinto at nagulat ako sa tumambad sa akin na mga taong hubo't hubad na naliligo sa swimming pool, may mga lalaki at babae na sama-samang nagkakatuwaan sa paliligo. Kinakawayan nila ako at pinalulusong sa pool, gayundin, iba’t ibang lahi sila at napakalinaw ng tubig na naaaninag ko ang kanilang kaselanan. Parang naeengganyo na rin akong lumusong, pero napatingin ako sa sapatos ko na puro putik at itinuturo ko sa kanila. Walang salita, pero sa senyas, parang sinasabi nila na okay lang at ‘wag ko nang hubarin ‘yung sapatos ko. Pero nanaig pa rin ang hiya ko na marurumihan ko lang ang malinis na tubig sa pool at nagpaalam na ako sa kanila.
Naghihintay, Lui Chun
Sa iyo Lui Chun, Ang mga Born Again ay hindi naman nanghihikayat ng mga taong masama o may hindi magandang pagkatao, kaya ang gusto nilang maging miyembro ay mababait lang o dati nang mabait.
Mayroon ding masasama na naging miyembro nila, pero ang masasamang taong ito ay kusang lumapit sa kanila kaya sumama sa kanila.
Pag-aralan mo, hijo, sa isang pamilya, ang iimbitahan nila ay ‘yung mabait sa pamilya, pero ‘yung mga may bisyo tulad ng pambababae o lasenggo ay hindi nila gustong isama sa kanila.
Kaya nga silang lahat ay mababait, hindi tulad ng ibang relihiyon na mas maraming masasamang miyembro.
Sa ganitong katotohanan, ayon sa iyong panaginip, dati ka nang mabait, kumbaga, hindi mo na kailangan ang anumang samahang pangrelihiyon para maging mabait ka.
Maririnig mo sa kanila, letra-por-letra, ang relihiyon ay hindi nakapagliligtas ng tao kaya parang wala ring saysay na maging miyembro ng relihiyon nila.
Nasusulat, “Mahalin mo ang iyong kapwa at mamahalin ka ni Lord.” ‘Di ba, kapag mahal ka ni Lord, sure na sure na ang iyong kaligtasan?
Kaya sabi ng iyong panaginip, ituloy mo lang ang iyong pagiging mabait sa kapwa.
Gayundin, habang ikaw ay nasa mundo, umiwas ka sa mga tukso, lalo na sa mga taong immoral.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments