top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mahirap daw talaga lalo't hiwalay na… James, umaming inaayos nila ni Nadine ang pinagdaraanan

  • Ador Saluta
  • Jan 5, 2020
  • 1 min read

Balitang dahil sa magkahi­walay na management team na humaha­wak sa career ng magdyowang Nadine Lustre at James Reid, ito raw ang naging dahilan para tuluyang magkani-kanya ng landas ang dalawa, sa career man at sa personal nilang relasyon.

Hindi naman itinanggi ni James na malaking hamon sa kanila ni Nadine ang pagkakaroon ng magkaibang management team. Nitong nakaraang 2019, nilisan ni James ang Viva Artist Agency na nagma-manage sa tambalang JaDine.

Kasunod nito ang tila kawalan na ng pag-asa ng JaDine fans na makita sa isang proyekto sina James at Nadine, na huling napanood sa pelikulang Ne­ver Not Love You at hindi na nasundan ng iba pang projects.

Lalong umugong ang pag­kakalabuan ng tambalan ng JaDine nang pumirma si James ng kontrata sa bago niyang management team na agad na inanunsiyo at ipina­kilala ang bagong makakapa­reha ng aktor sa upcoming project na si Nancy ng Korean girl group na MOMO­LAND.

Sa huling panayam ng PUSH kay James sa kan­yang product endorsement, ina­min ng aktor na struggle sa kanila ni Nadine ang muling pagsa­sama sa proyekto.

“Currently yes, I admit it’s challenging but, we’re trying to work things out,” rason ni James sa nasabing panayam.

Sa kasalukuyan, kapwa tahimik sina James at Na­dine sa estado ng kanilang relasyon mata­pos ang napabalitang hiwalayan nila nitong Bagong Taon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page