Bukod sa taob sa pelikula ni Aga… MMFF movie ni Vice, bagsak ang kita?
- Beth Gelena
- Jan 5, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Napanood namin ang The Mall, The Merrier. Kapansin-pansin na minadali ang movie para makahabol sa Metro Manila Film Festival 2019.
Ang daming nasayang na negatibo dahil ang hindi na dapat isama sa eksena na walang saysay ay pinahaba pa. Tulad na lang ang scene nina Vice Ganda at Ruffa Gutierrez.
Imagine, para mabigyan ng moment ang former beauty queen ay pinatagal ang eksena kung saan nagpagulung-gulong lang naman sila hanggang makarating sa Luneta.
Nang mapansin ni Vice na malayo na ang kanilang narating, bumalik sila sa Tamol Mall na kanilang pinanggalingan. Mismong sa portrait ni Annabelle Rama huminto ang dalawa, para ang ina naman ni Ruffa ang maipakita.
Ilan lang ‘yan sa mga eksenang puwede namang wala sa pelikula.





Comments